Thursday, February 15, 2007

False Alarm na nga yata ...

It's not confirmed yet... but I've been bleeding for 3 days now. Menstruation flow bleeding I mean ... I hope it's not miscarriage. My 2nd transvaginal ultrasound would be in Feb. 21 pa. So by that time pa malalaman if I am pregnant or not. Complete bed rest ang sabi ni dok. But I've been lying in our bed for 2 days already and the bleeding keeps on going. If it's threaten abortion, it should stop once you're rested and not moving frequently. My OB told me it might be mentruation but still obserbahan ko daw. Sayang naman kung buntis na pala ako tapos nakunan ako. All test tells us I'm negative, even sa ultrasound. Kaya I'm pretty sure again I'm not pregnant. Nawiwindang lang talaga ako minsan sa OB ko kasi hoping pa rin siya na I might be pregnant eh ramdam ko naman na wala. Napapraning tuloy ako.

She gave me this testing pill called Duphaston ... it's also what they prescribe to pregnant women para pampakapit. 2 weeks ko siya ititake ... so by next week pa dapat ako mag-bleed or mag menstruation. Kaso biglaan eh 1 week palang nag-bleed na ako. Maybe because napagod ako sa pag-bake ng pandesal. OO, pandesal ... makulit ang nanay ko. Gumawa daw ako ng pandesal. Eh di gumawa naman ako ... after ko matapos yun, ayun nag-bleed na ako. ewan ko kung timing lang or whatsoever. She cheked my cervix, intact naman, di naman daw bumuka. Mahaba nga daw (ang ano?) and she looks at my blood sabi niya malabnaw naman daw yung blood. Kaya nag-complete bed rest ako. Pero last night, malakas yung flow ... siyempre 2nd day na, usually pag 2nd day of mentruation, heavy flow period talaga yun. I prayed to God, sabi ko "Lord, if this is not a threaten abortion sign, please let me sleep" after nun nakatulog na ako. So may feeling talaga ako na hindi ako pregnant. It's just my menstruation.

Well I guess better luck next time nanaman kami ni Jason. Hehehe ... sabi ko nga sa kanya wag na natin masyado i-pressure yung pagkakaroon ng baby para makabuo na tayo hehehe. Kaya ngayon sinusunod nalang muna namin lahat ng bilin ng OB ko. Jason is scheduled for sperm analysis tomorrow. Buti nalang nakiki-cooperate ang my labs ko. Akala ko nga hindi papayag eh. You know naman mga guys ...

How's your Valentine's day nga pala? Kami we just celebrate it at home with a heart shape cake and Max's fried chicken Fiesta Platter hehehe! Iwas traffic pa di ba. We never celebrate naman talaga on the day itself. It's either before or after Feb. 14. Excited nga din ako this coming Saturday. Dad told me he wanted to buy a camera for our Baguio trip. Baka mabola ko to buy the Canon 400D ... sana sana sana ...

Share ko lang some photos na natambak dito sa PC ni Jason na I forgot to blog about :D

Got a new haircut again ... and I love my hair this short because it's wash and wear ... pag sinipag sa pag blower sandali lang ok na siya. Unlike pag long hair matagal siya i-blower.

Yup, I made this pandesal ... sabi nila ok daw sa lasa ... walang bromite hahaha! yummy! ANg hirap lang mag-knead ng bread. Kaya siguro ako nag-bleeding huhuhu!

HAPPY VALENTINE'S DAY!!!

16 comments:

Anonymous February 16, 2007 4:12 PM  

Hi anne...
Dont worry nde pa naman kau considered na me infertility problems kasi wala pa naman kayong 1 year na kasal. Aga pa nga mag pa SA ni Jayson..si hubby kc was asked after a year of trying ganun din yung iba kong kakilala na wala pa rin baby. Yung Ob nila requested the husband to have SA after a year of marriage.

So sis relaks lang muna kau. Wag pa pa pressure...enjoy muna kau ni jayson sa marriage life nyo :D

Unknown February 16, 2007 5:31 PM  

hi Jeanny, we went to our OB today. Hidni muna nagpa-SA si Jason kasi he wanted muna to clear kung ano ang status ng bleeding ko. Kung wala pang baby and no problem sa akin saka siay magpapa-SA ... he confronted our OB kasi napaparanoid na kami. Parang kasi lumalabas na hoping siya na preggy ako when all test says negative hehehe.

flowerdrumsong February 18, 2007 2:24 PM  

Hey sis, take it easy!!! :) Don't get too hung up with not being preggy yet - it will come for sure. :) And wow, nice pan de sal!!!! Madali lang ba sya gawin??!?!

Mai February 18, 2007 4:59 PM  

hi anne..naku i can relate with the pressure and ganyan na ganyan din ako a month after my wedding. 1 week delayed sabay nagkaroon..we were also sobrang hoping and every month looking forward kami..until now. The pressure from the people around us is still there pero deadma lang kami. We always say na God knows best and in His perfect time darating din yun. And tama, I had my fertility checkup 6 months after the wedding and I'm okay naman. Hubby had his SA one year after trying, and he's just fine din. Di pa lang talaga siguro right time. We are given multivitamins and ascorbic acid to take to help us conceive.

Basta sis..take it easy :)

Unknown February 18, 2007 7:46 PM  

Hi Weng, hindi naman mahirap gawin yung pandesal ... medyo mahirap lang mag-knead kasi kailangan ng force and continious kneading para ma-achieve mo yung softness na gusto mo sa bread. Hindi nga lumampas ng isang araw yan 2 dozen na pandesal. Ubos agad hahaha!

Hi Mai, miss kita girl, nagloloko ang blogrolling kaya nung isang araw ko lang nabasa lahat ng blogs mo. Naku sis tama ka, hintayin nalang natin ang bulong ni Lord on having a baby. With all the medications sana makabuo na kami. Naku pag hindi pa talaga tigil muna kami sa treatment hahaha!

Anonymous February 19, 2007 11:00 PM  

change kayo ng OB. as a medical professional, bakit sya nag-prescribe ng herbal supplements? hindi kaya side-business lang nya yun? tsaka gaano kahirap i differentiate ang early pregnancy sa menstruation? sa hormone levels pa lang sa blood kita na dapat yun. Really unnecessary that you underwent all those ultrasounds.
Anyway, relax lang kayo. Wala pang one year kayong nag ta try di ba? Have you checked with the OB if you ovulate in the first place? Since irregular ka, mahirap i-timing ang intercourse. Pero remember wala sa frequency ng intercourse yun. Kailangan talaga timing na within +/- 2 days ng paglabas ng egg mo, mayroong sperms na handang mag-fertilize dun. I think may kits na nabibili to check kung kailan ang ovulation.

QT February 19, 2007 11:34 PM  

hi ann! i think tama si anonymous. change ob na. or at least get 2nd opinion kesa u're spending a lot on unnecessary tests. don't worry, dadating dn ang little angel nyo!

pd pashare ng pandesal recipe mo? hihi. mukhang ang sarap sarap e!

Unknown February 20, 2007 9:58 AM  

Hi Anonymous, thanks for your concern. Super natuwa ako sa comment mo at tama pala ang desisyon namin. don't worry coz Jason and I decided to change our OB after my ultrasound last Saturday. Tama ka, hindi niya nadifferentiate yung menstruation sa early pregnancy. Nung magpapaultrasound ako, sabi agad nung Sonologist na menstruation yun. Take note: di pa niya ako na-uultrasound nun. He just based it sa kwento ko sa history ng bleeding. Kaya dun palang sinabi ko na kay hubby change OB na ako. how many test na ang ginawa, negative na nga ang lumalabas still hoping pa din siya na buntis ako. And yung herbal supplements, naisip ko na din na sideline niya yun. Kasi parang kakaiba siya sa lahat ng OB eh. We'll gonna buy an ovulation kit today kasi 9th day prior to my menstruation ko na ngayon ... and they say sa 10th day dapat start ang marathon joke hehehe. Let's see kung fertiled ako this time.

sis cheche, wait mo lang, I'll post the recipe here sa blog ko :) madali lang siya promise.

Anonymous February 20, 2007 4:00 PM  

Hi Ann! The pandesal looks yummy. I want to try to make some too. I tried siopao once but they turned out to be as hard as rock.

Anonymous February 20, 2007 4:10 PM  

of course it takes two to tango. be sure na nasa condition rin si hubby by that time na you are fertile. recommended na yung guy dapat hindi maglabas ng sperm for three days to make sure na quantity-wise, optimal yung count nya by that time na gawin nyo. i recommend na pahinga siya for 5 days, i.e. leave his willy alone. hehehe. he should also live a healthy stress-free lifestyle, at least at this time when you're trying to conceive. no smoking, no alcohol, no late night work/party. make him drink concentrated fruit juice every morning, pineapple or mango, instead na kape. until here for now and goodluck!

(yet another unsolicited advice from your anonymous reader.) :)

Unknown February 20, 2007 7:20 PM  

ei Joanne, don't worry I'll post the pandesal recipe here in my blog. Wait mo lang ... send it out in a minute.

to my Anonymous reader... sounds like you're a doctor. Anyway, I totally agree with you ... pero ayaw nya bumili ako ng ovulation kit. gastos nanaman daw hahaha. Is it true pag nasa fertiled stage ka you'll have contact every other day for 21 days? Sabi yun ni OB ... ngayon I'm already doubting her na kasi. Start on the 8th day prior to my menstruation daw while others tells me to tstart on the 10th day... on the 13th and 14th day that's when daw I'm fertiled ... ano ba talaga ang totoo? hehehe!

Anonymous February 22, 2007 12:29 AM  

Hi! I'm not a doctor, but i have read a lot about these things.
(Ironic na nag-a-advise ako now kung paano mag-conceive when nung single pa ako, ang alam ko lang ay kung kailan safe...ang rule of thumb ko para di mabuntis yung girl ay +/- 5 days around ng mens nya, guaranteed ok all the way.)

1st, mali ang former OB mo. Contact everday for 21 days??? Kawawa naman mister mo nyan. Again, wala sa frequency ng contact yun. In fact, para maka recover ang guy sa amount ng sperm, minimum of 3 days dapat na pahinga.

Anyway, let's go to the basics:
1) Once the egg is released, it is alive for only 24 hrs.
2) The sperms on the other hand can survive for a few days.
Therefore, importante talaga timing na mag-meet sila.

Ngayon, kailan ba talaga fertile ang babae? Ovulation is always 10-16 days before the expected menstruation.

In total, fertile ang babae for 9 days within the mens cycle. Bale, 7 days before the egg release, the day itself of release and the following day.

Now ang million dollar question:
Kailan kami mag-me-make love ni mister?

Pinakamadali kasi ay gawing reference day yung last day na pagdating ng mens. Halimbawa, kung 28 day regular cycle, ovulation is on the 14th day after the last mens. So, ganito para sure
9 days after the last mens, gawin nyo yun,,,then pahinga 1 day, then on the 11th day uli, then pahinga 2 days, then on the 14th day which is the actual date of egg release.

So importante talaga i track mo ang cycle mo. Kasi kung 35 days naman ang cycle mo, sa 21st day after last mens ka pa mag o ovulate dun.
Kung maiksi naman ang cycle mo, say, 20 days lang, 6 days after ng mens mo, dun ang ovulation.

So, in theory di nyo kailangan bumili ng ovulation kit kung ma track mo ang menstrual cycle mo. Kung alam mo exact number of days ng cycle mo, sulat mo dito at i-calculate natin kung kailan ka fertile.
As supplement recommended rin pala na ang folic acid intake ay 400 ug per day.

But then again, there's really no need to get stressed up on this. The more na ma-obsess kayo dito, the more na mahihirapan kayo physically and mentally na ma-achieve ang gusto nyo. In the meantime, live a healthy lifestyle and enjoy life together.

Unknown February 22, 2007 11:01 AM  

ei Anonymous, well said. Thanks sa info ... I had my period last Dec. 31, then Feb. 13 ako nagkaroon, my last period was last Feb. 18. Medyo tumagal yung mens period ko ngayon ... it usually takes 3 days ... pero dahil ata sa Duphaston tumagal ng 6 days.

Anonymous February 22, 2007 7:43 PM  

ok,,extended ang iyong cycle. let's take na 47 day ang cycle mo, and make feb 18 as the reference date. then ang expected na next mens mo dapat ay april 6 pa, tama? Ang approximate date ng ovulation mo then ay 10-16 days before april 6. But usually, ti-ne-take na 13 days before nung mens ang ovulation. Therefore kung bilang tayo ng 13 days pabalik from april 6, MARCH 24 ang release ng egg mo. But 4 days from that considered na fertile ka na rin dahil nga anytime pwede kang mag-ovulate sa period na yun at magsu-survive naman ang sperm kung may contact kayo starting MARCH 20. So, eto try nyong gawin: From March 15, abstain si mister from releasing his sperm. Tapos contact march 20. Then one day pahinga. Contact uli march 21, then 2 days pahinga. Then contact uli March 24. Then huling hirit sa March 27. Best of luck!

Anonymous February 22, 2007 7:48 PM  

^oops, mali...kung march20 start ng contact, next pala ay march 22, tapos march 24, then march 27.

Unknown February 23, 2007 11:17 AM  

wow ... I'll take note of that dates ... wish me luck :) thanks so much ha! wala ka talaga plan magpakilala sa akin? hehehe.