Monday, April 02, 2007

I'm so proud... I'm so lucky...

Today, Jason stayed all day at home. Not actually, the whole day but after his meeting in Tandang Sora, he went straight home. He told me he'll gonna catch up a lot of sleep. His Makati Project has been eating his time for quite sometime now. Thank God it will be finished by Wednesday.

But that didn't happen for a while. Since our laundry all piled up, napilitan siya maglaba. Instead na ilambing niya sa akin yun eh siya ang gumawa. Hindi naman lahat nilabahan niya kasi tomorrow magpapalaba naman kami sa laundry mat. Eh wala na siya pants, nagamit na niya lahat. Kaya naglaba siya. Pati underwear namin dalawa nilabahan niya. So sweet ... Nag-resign na kasi ang maid namin. And right now may kapalit naman na, yun nga lang after holy week pa siya dadating.

As of this time I'm doing this blog ... he's sleeping like a baby ... 9:00pm tulog na siya. Napagod ang baby ko wawa naman.

Ok I'm not as bad as you think. I never really wash my own underwear for the reason that I'm allergic to detergent. May gloves naman, bakit di ka mag-gloves? Good question, bakit nga ba hindi ako mag-gloves. Well, I'm also allergic to rubber :) Ako naman nagsampay ng mga nilabahan niya. Tumulong naman ako. Actually after doing the laundry, he went to take a bath and played Pirate King Online the whole time.

I'm now in-charge of the food, so I'm the chef of the house for a couple of days. Since fish lang gusto ni dad kainin, napipilitan kami kumain ng isda every night. Minsan nga nauumay na ako eh pero wala kami magagawa. While cooking, si Jason naglinis ng kwarto namin ... ang sweet talaga :) as in tinapon ang lahat ng dapat itapon, inayos yung mga magulo, pinunasan yung alikabok... did I mentioned I'm allergic to dust as well? May ginawa din naman ako dun ... I helped him organized our bills. Actually hinahanap ko yung Globe bill ko for March. Di ko pa kasi siya nababayaran ...worst is nawawala pa yung bill ... ay sus!

Ako din ang private nurse ni Duday, she already gave birth to 5 puppies. And ang milk supply niya minsan nauubos din, so I have to provide formula for them. May isa kasi siyang puppy na parang premature. Siya lang ang pinaka-maliit sa lahat. Samantalang yung iba ang laki na. Yun talaga tinututukan ko. Every hour I'm feeding him, pag di nakatingin si Duday. Eh kasi no, nagagalit siya pag may nawawalang anak sa crib niya. I didn't know dogs can count :) I'll post the photos soon. Masyadong madami eh hahaha!

Grabe masyado ng mainit ngayon. Sometimes I really can't stand it. Napipilitan akong mag-aircon lalo na pag tanghali. Nakakainis nga eh paggising ko pinapawisan pa ako dahil nga sa init. Ano ba yun! I'm more comfortable on rainy seasons than dry season. Aside from the heat, lahat ng allergies ko lumalabas. I'm beginning to get cranky ... at hindi masyado dumidikit ang asawa ko sa akin pag mainit. Kainis!

Kuya Jade texted me yesterday. He asked me if I wanted an Espirit Bag ... heller siyempre no! Hindi na ako nagpa-keme keme pa at nag-text sa kanya "Oo kuya :) thanks so much mwah!" So sweet ni kuya, feel ko family na talaga kami. I'm so lucky hindi sakit ng ulo mga in-laws ko. Love na love ko silang lahat :)

6 comments:

Anonymous April 03, 2007 1:31 AM  

hay naku parehas tau...allergic sa detergeant...kaya wear gloves nga kaso allergic din ako sa rubber, hahaha...so cno naglalaba...ang washing machine pero kelangan no touch ang soapy water or else buy na ko ng gentamicin sulfate sa mercury, hehehe

allergic din pla ko sa dust..kaya pag me naglilinis alis na kagad ako or else sisipunin na ko, hahhaha...kakatawa di ba :D

cheryll April 03, 2007 8:56 AM  

hi ann! ako din naglalabasan ang aking skin asthma dahil sa init...pag nagpapawis kasi :(

hirap din makatulog minsan sa gabi kasi masyadong maalinsangan. pag bukas naman ung bintana, minsan maraming lamok huhuhu...

kakatuwa naman si duday, alam pag me nawawalang anak...

Unknown April 03, 2007 12:41 PM  

Hi Jeanny, di pala ako nag-iisa. Super bait lang talaga ang asawa ko at siya na ang naglaba. Eh kasi mas malaki gagastusin pag nag-allergy ako. Saka ayaw nya mag-take ako ng kahit anong medicine kasi I'm trying to conceive di ba?

Hi Cheryll, my cosmic sister, panahon ng allergies talaga pag summer. My derma usually expects me to come in her clinic pag mga ganitong panahon. Dinadaan ko nalang sa dami ng ligo hahaha.

"LEi" April 04, 2007 1:34 AM  

Hi sis ann! Parehas din tayo...Im allergic to detergent, kaya medyo off limits din ako sa laundry soaps...pa-scoop scoop lang for washing machine.

Sobrang init pala dyan sa Pinas...I also want to ask for your prayers, sis...dahil sa sobrang init sa Pinas, tinakbo sa ospital Papa ko last midnight...stroke po.

Anonymous April 04, 2007 3:41 AM  

Hi Ann!

Naku ang init pala dyan sa pinas... stay cool, drink plenty of fluids.

Btw, love to see the pictures of the puppies. Sana lumaki ng husto yong premi na pup.

Unknown April 04, 2007 1:28 PM  

Hi Lei, I'm praying for your Dad's fast recovery. Mainit kasi, uso heat stroke. Si mommy nga eh kinukulong namin sa aircon room para di atakihin. Kasi si mommy lagi ang madalas atakihin ng highblood pag mainit.

Hi Nette, mega drink tlga ako ng fluids ngayon. Lagi ako may bitbit na water pag lumalabas kami. Mahirap na magka-heat stroke. I'll post the puppy photos soon. Maybe later promise :)