Tuesday, July 10, 2007

For The Second Time Around

Jason and I decided that we should visit a doctor ASAP. Instead of buying super sensitive EPT kits, might as well visit an OB for a check up. I saw Dra. Cecilia Nogoy on TV, she's the one usually explains how family planning can work for all women and their families. Since she's on TV, I thought about it that maybe she's good. Why would ABS-CBN get her to anchor their family planning segment if is she's not good di ba? So I gave her a try. Ang maganda pa dun, wala siyang ibang clinic kundi sa Marian Building lang (a building owned by stockholders from FEU Hospital) and resident OB din siya ng FEU (10 min drive from our place).

She's very pretty pala in person. Na-star struck ako hahaha! Joke lang. I did a pregnancy test with her, and it turned out negative ... AGAIN!!! ... but she gave me a chance, maybe my HCG wasn't that high enough to detect my pregnancy. So she gave me until Saturday. Pag wala pa din ako period, magte-testing pill nanaman ako. Pag wala pa din ... saka palang niya ako i-uultrasound. Pero may hunch kasi ako na di ako pregnant. Kahit anong positive wavelength ang isipin ko eh wala ata talaga kami nabuo. Nag-divine intervention din ako when I heard mass. I asked God, kung buntis ako bigyan niya ako ng sign na buntis ako. Eh nag-preg test kami di ba, negative ang lumabas.

Hubby is scheduled for a semen analysis too. Kailangan dalawa na daw kami i-wo-workout niya. Based on my old TVU and monthly period chart, normal daw ako. Kaya baka (baka lang) kay hubby may problem. Kaya pinapakuha na niya ng semen analysis para may basis siya ng treatment. Actually, ayaw pa niya i-workout kami. Kasi wala pa naman daw kami isang taon. Kumbaga adjustment period pa rin kami. Kaso kasi kinukulit na kami ni Mom. Kasi nga, bakit pa daw kami maghihintay ng isang taon, eh baka nga may fertility problem kami eh maganda magawan na ng paraan as early as now di ba? At saka hello? 30 years old na ako sa December. Baka mahirapan na ako magbuntis huhuhu.

BTW, congrats to Mai at preggy ka na sa wakas :) Konting ingat from now on ok :)

Wish me luck ... malay natin ... nahihiya lang pala yung baby namin at ayaw magpakita hahaha!

7 comments:

:P July 11, 2007 1:47 AM  

i know you are not losing hope, ann. just pray always. God listens talaga.

you are fortunate to have found an attentive doctor. I pray she will be the answer to your prayers. just always think positive thoughts. it helps rin.

take care and God bless!

Unknown July 11, 2007 8:22 PM  

Thanks Yette mwah! Mukha nga si OB na ang OB namin ni hubby. Sana nga matulungan niya kami. Super pray naman ako lagi sa Diyos. Hindi pa sin ako nawawalan ng pag-asa.

Mai July 11, 2007 10:25 PM  

hay naku ann...habang di pa dumadating ang period may pag-asa. Naku ako man before I tested, I warded off the possibility na buntis ako kasi basta naka-set yung mind ko na magkakaroon ako bec of the PMS I was having. Basta, pray lang..He will give it at the right, perfect time..minsan when we least expect it.

chuching July 12, 2007 12:51 AM  

hi ann! i feel for you. i've been there (or am still there pero in denial?).

wala pa pala kayong one year. diba sabi nila, pag di effective ang timed intercourse for a year, dun lang dapat mag isip ng fertility treatments?

anyway, all i can say is wag ma-pressure by the parents, relatives or friends. i used to be like that. i hated it when people were asking me bakit wala pa and lalo ako nape-pressure. na-realize ko, a big reason why i want to get pregnant is because of the people around me when in fact, happy pa naman kame the way we are. so now, i just shrug it off. sabi nga ng OB ko, the more pressured you are, the lesser chances of conceiving!

kaya enjoy and try to rest! take care! and ofcourse, it will come on His own perfect time :)

Unknown July 12, 2007 8:15 PM  

Hello Mai and Gracita, thanks for your comforting words. Tignan nalang natin sa Saturday. Gusto ko nga magkaperiod na ako this week dahil ayoko magtesting pill. Pero baka malala kasi kung maging irregular ako kasi mahihirapan ako mag-ovulate.

QT July 13, 2007 6:28 PM  

hi ann! ako nag wonder if kelangan na namin magpa fertility test ekek. kaya lang ayoko mag papressure sa ibang tao. naiinggit ako pag nakakakita ako ng pregnant women. pero siguro nd pa lang ako ready i-give up ung independence ko. fingers crossed ann! blog mo agad ha!

Unknown July 13, 2007 8:06 PM  

Sure thing Cheche, positive or negative man ang result, magba-blog pa din ako about it :) mwah!