Thursday, January 18, 2007

On being unproductive

It's been six months now and still I'm not that lucky enough to have a job. Jason also, until now is not lucky to have a new project to work on. It seems that all jobs are now based abroad, not here in Pinas. Jason is planning to work abroad with me. The problem is, due to my health conditions eh I'm kinda hesitant to work abroad. Feeling ko kasi lahat ng pagpapaguran ko dun eh mapupunta lang sa medication. Well, I think nararanasan na namin yung "for better or for worse" sa pagiging mag-asawa. Medyo nahihiya na nga din kami dito sa bahay kasi siyempre hindi kami masyado nagiging productive. Though may naipon naman kami kaso baka pag di pa kami nakahanap ng work eh maubos nalang yun.

Eto pa nga isa eh, na-deny application namin for a housing loan. So medyo yung dreamhouse eh hindi pa magagawa yun. Ayaw din naman namin umpisahan yun tapos hindi matatapos. My dad asked us kung may naiisip daw kaming negosyo. He'll be willing to lend us pang-capital para sa business and pay him when able. Nasa printing and computer business pa rin ang naiisip ni Jason. While me, I just want to work with my cousin Bing on Ana cre which until now, we haven't got any clients. Minsan nga natatawa kami ng pinsan ko. Puro free lahat ng nagiging services namin kasi puro kamag-anak kasi lagi ang kumukuha sa amin para gumawa ng souvenirs nila hehehe! Hindi naman din kasi nabibili ang smile on their faces pag happy sila sa outcome ng ginawa namin. Hay... pero wala pa din nangyayari eh ... everything is not pushing forward. I was thinking of going to school again. Culinary School ... para we can put up a business related sa food like coffeeshop, bakeshop, resto ... kaso matindi din ang competition sa food business. Pero eto ang field of interest ko talaga. Kaya nga nagsisisi ako bat Architecture ang kinuha kong course nung college hahaha.

Last Saturday, lumabas kami ni Jason with some of our friends. Birthday kasi ni Otel last Thursday. So nung Saturday nag-celebrate siya. Napag-usapan nga din ang business that day. Kasi nga naman bihira nalang yumayaman dito sa Pinas. Mahirap din naman mag-work abroad di ba? Kaya naisip din namin mag-business as one group. We are thinking of something na halos lahat ng interest namin eh nasa business na yun. Hay, talagang ang hirap mag-umpisa ng negosyo. Ilang beses na pag-aaral pa yun at kailangan pang financially stable ang company. Ang hirap mabuhay di ba? Naiisip ko nga, kaya siguro hindi pa kami binibigyan ni Lord ng baby kasi gusto muna niya maayos kami ni Jason.


Last Sunday naman we went to Tagaytay and Enchanted Kingdom to celebrate Mom and Dad's Anniversary. We visited Tito Jun's house and its 75% finish already. By February ok na siya ... sana. We ate at Teriyaki Boy ... ayaw kasi ni mom sa mga resto dun, masyado harang ang presyo hahaha! After that diretso punta ng Enchanted Kingdom.

Dad and Mom

Kuya Stan with Ate Yang


That's me and Jason (hindi talaga magaling kumuha ng photo si bunso)

Coolet ang Lloyd (the best shot I did for the day)

Our next family outing would be in Baguio, sa Flower Festival... we missed it twice already ... so excited kami on this one.

0 comments: