Monday, January 22, 2007

Someone is sick

I hate it when Jason gets sick. Instead of making lambing for you to take care of him, he's so cranky. Most of the time he keeps silent kaya hindi mo alam kung ano nararamdaman niya or what. Pero kahit ganun, kahit masungit siya ... I still takes care of him. I always remind him to take his medicine. And I don't want him na mabasa ng pawis ang likod niya. Hindi ko na muna siya masyado kinukulit ngayon. Kasi baka lalo makasama sa kanya. Ano sakit niya? A very terrible cough. Na-allergic daw siya sa dust sa house nila sa Antipolo.

Last Saturday, I got a new haircut. This is my 2nd attempt of finding a new hairdo for me. First was to have my long hair layered. Kaso nainis ako parang nakikipag-away lagi ako sa hangin at bruhilda look lagi. So far, I like my do. Yun nga lang, everytime I go out, I need to blow dry my hair para no fly-away. I wanted to have my hair short pa nga pero wag na muna... next month nalang ulit. Siguro before going to Bgauio nalang.

I met up with some of my friends after that. Nakapunta nanaman ako ng Gateway sa wakas. The last time I went there was when we bought our rings in Suarez hahaha. Tagal na ata yun hehehe. Medyo na-miss ko din tong dalawa na to, lalo na si Jaja dahil she missed my wedding due to a family affair (capping ng sister niya). Rich (who caught the bouquet nung wedding namin) handed me the garter na supposed to be ibabalik niya sa akin nung wedding day itself pero nakalimutan niya ibalik hahaha! Nagbakasyon sa closet niya yung garter ng 3 months hihihi. And as usual dinala ko yung guest book namin dahil hindi nga sila nakasulat dun nung wedding. The reason nga pala kaya kami nagkita-kita dahil sa pasalubong sa amin ni kuya Rommel (kuya, thanks sa Cadbury ha! super pinataba mo nanaman ako hehehe). Since very busy ang scheds namin lahat, si Jaja lang na-meet niya nung December dahil medyo malapit si Jaja sa kabihayasnan (wrong spelling pa ata ako hehehe).

Jaja, Rich and me (super taba ko na)

I'm working on our wedding photos again ... I need to finish choosing the photos we like by the end of the month so that before our wedding anniversary nasa amin na yung album at video din. Para sa anniversary namin we'll gonna watch the video and look again sa photos hehehe. Arte no? Sana matapos ko para ma-send ko na kay Paul ... at para ma-send na din namin kay Dan yung photos namin at mp3's.

5 comments:

QT January 23, 2007 4:37 AM  

hi ann. parehas pala tayo ng hairdo ngayon. i had my cut short din pero with bangs. tozic lang kasi dapat laging naka blow-dry! d bale, bagay naman ang hair sa yo =p

cheryll January 23, 2007 8:55 AM  

hi sis! hope ok na si jason mo. nice ung new hairdo mo, bagay sa yo. and ung pagpili ng pics, mukhang matagal nga yan...gaya nung sa brother ni albert, dec'05 pa yun, hanggang ngayon la pa kaming nakikitang pictures na hindi softcopy hehehe...

Unknown January 23, 2007 9:11 AM  

QT: Hi sis, ganun ata talaga, after ng wedding, you tend to cut your hair short hahaha. Wala pa naman akong work kaya hindi pa naman ako na-hahassle sa pag blow dry. May photos ka na ba sa wedding mo?

CHERYL: Hi Cheryl, ilang weeks or days nalang ba till your wedding day? Excited ka na ba? Naku kaloka talaga mamili ng photos. 1000 + imagine??? hahaha! Kung pwede nga lang lahat ilagay mo di ba kaso di nman kasya sa coffee table book yun hehehehe.

Rhea January 23, 2007 9:47 AM  

hi ann!
thanks, thanks! :) mother na mother ang dating ko sa hair! hahaha =) but i love it! walang hassle masyado. sa electric fan lang magpatuyo, ok na. di rin naman kasi ako mahilig mag-ayos. kaya ok na ok ang maikling hair. oks din hair mo ah! sige, next month, try mo maikli. wash and wear lang talaga.

hmm... about our baby's gender . . alam na namin. will post something soon. :) thanks ulit!

Unknown January 23, 2007 8:21 PM  

Hi Rhea, sige papa-haircut ulit ako next month, mas maikli pa sa hair ko ngayon hahaha. Saka will wait for your post kung ano gender ng baby nyo ni Nap.