Wednesday, January 04, 2006

Q.C. Hunting

Like I said before, ayoko sa Manila ... wala lang gusto ko lang hehehe! Jason and I went to possible venues for wedding rites and reception venue. Dapat kahapon pa to, kaso na-emergency kapatid ko and we need to take him sa San Lazaro Hospital. Dog bite case kasi ...

First stop ... Twin Hearts ... I really fell in love with the church. Not too small and not too big for our wedding. The interior details were more beautiful than St. Rita (in my opinion ha!). And they are so accommodating ha (we forgot to ask the name of the person na nakausap namin). Naka-pencil book palang kami ... (huh? bakit?) Kasi kailangan pa ng approval ni Dad ko (ah yun naman pala eh). He gave us 3 days to confirm the wedding date. Sayang may nauna sa 4 p.m. slot. Kinuha nalang namin yung 10 a.m. slot para lunch time na. Alanganin na kasi yung ibang oras eh (8am and 2pm). Ang maganda pa dito sa Twin Hearts every two hours ang wedding ceremonies, unlike sa iba sunod-sunod ang oras. (teka, bakit parang supplier's rating na itong ginagawa ko?) Oh Dad please say yes to this na! I took some pictures of it ... Actually, there's a wedding going on ... iniisip ko nga kung sinong w@wie ang ikakasal ng january 4 eh, wala ako matandaan hehehe! Fee: 10,500 Reservation: 2,000



Image hosted by Photobucket.com


Second stop... Windmills and Rainforest ... I got an email from Ms. Nora last night. That's why dumaan kami ni Jason to take a look at the venue. She even sent photos thru email kaya I don't need to take pictures na kasi meron na ako. She gave us a quote of 120k plus ... (na kay Jason yung quotation eh hehehe di ako sure) . Eto na yung the best venue kung Twin Hearts ang church mo. Timing nagseset-up sila ng place nila for tomorrow's wedding. 250 guest siya... What I like most about the place, kahit big number of persons yung bisita mo, the place look intimate. Hindi sabog, feeling ko magkakaroon ng interaction lahatng guest ko dun. Saka ang daming place pwedeng mag-post Wedding pictorial.



Image hosted by Photobucket.com


Third Stop ... Immaculate Concepcion ... naligaw si Jason kakahanap sa place hahaha! kasi ang daming one way kaya ... pero the church was ok naman. Problema parking, tapos may school sa tabi. Kung sakaling may pasok yung school ng Immaculate nung araw ng Oct. 28, masyado crowded yung place. Kaya sabi agad ni Jason "Di magugustuhan ng Daddy mo dito."

Fourth Stop ... Oasis Manila ... Grabe ang ganda ng place. Ilove the Pavillion, I'm sure matutuwa guest namin dun. Kaso lang po, may nagpa-reserve na ng lunchtime sa kanila ng Oct. 28. Sabi ni Ms. Clarisse yung evening nalang daw kunin namin. Ok sana eh kaso yung 4pm na slot naman sa Twin Hearts may kumuha na. Hay sayang ... pero ang good news, pwede mag-prenups sa Oasis, yun eh kung wala silang event dun. Pag nataon na meron event sa Oasis, sorry nalang di pwede. And that's for free, according to Clarisse. Fee: 45,000 venue only, wala pang food and drinks.


Image hosted by Photobucket.com

Fifth stop ... Mt. Carmel ... Maganda talaga ang Mount Carmel. Kaso naman ang laki2x kaya niya para sa amin. Luckily may wedding nanaman when we went there, iniisip ko nanaman kung sinong W@wie ang ikakasal sa araw na ito. Pero wala ako matandaan ... check ko nga yung list mamaya. Motiff niya is midnight blue ... I saw the flower arrangements sa church. Simple lang siya. according kasi sa guidelines nila, di pwede ata yung parang garden itsura sa church. Fee: 10,000; 2,500 ang reservation. Eto picture2x ulit.




Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com


And last but not the least, Christ the King, E. Rodriquez ... ok ang church, problem is pag nagtraffic na sa harap ng CTK eh di ka na makakapunta sa loob o makakalabas. Nagsimba na din kami ni Jason (6pm na kaya yun) and grabe, gwapo talaga ng mga seminarista dun. di ko alam kung bakit. Naawa tuloy ako sa mga girls na wala pa BF. Yung mga prospect BF's nila nasa seminaryo na hehehe.

Decided na kami ni Jason sa Twin Hearts / Windmills and Rainforest. Sana magustuhan na siya ni Dad kasi super way out of the budget na talaga kami.

0 comments: