Tuesday, February 28, 2006

Gusto ko to...

Hindi kami natuloy pumunta ng Baguio nung weekend. Kasi nag-leak ung gear oil sa gulong sa likod nung Innova ni dad. Wala kami choice but to postpone the trip. Hay sayang ... this has been our 2nd year na hindi nakapunta ng Flower Festival ng Baguio. Nag-mall nalang kami ng family ko (with Jason, and my bro's GF Coolet). Nag-bowling, kumain, nag-ikot, kumain at umuwi. tama ba naman na magbabad kami sa SM.

Jason and I went to Papemelroti to check out the invitations. I saw it sa website nila. Ang ganda. Simple pero maganda. And I'm hoping I could have them for my supplier ng invitations. And we also checked out some stuffs in their store for the souvenirs. Kasi sabi nng tita ko, pag di daw sila nakaisip ng souvenir na ipapadala niya sa amin 3 months before the wedding eh kami nalang daw maghanap dito tapos she'll gonna pay for it. Astig! hahaha!

Hirap ng walang ginagawa sa office. samantalang two weeks ago, halos 11pm na ako umuuwi ng bahay sa dami ng trabaho... ngayon tapos na gawin lahat ng working drawings, naghahanap ka naman ng gagawin. Nagbloghop ako (again hehehe!) at nagkaroon ako ng inspirasyon sa wedblog ni Sue (ni Vin) ... nilagyan ko ng background music ang aming wedblog. Naku matatawa sa akin si Wella (ni Nikky) nito. Samantalang dati, siya yung nag-aayos ng wedblog ko, ngayon ako na ang gumagawa hehehe! Oh di ba ... ang saya!

I was browsing the Hello Kitty site kanina. and I found this ... wish ko lang may magbigay sa amin ni Jason nito sa wedding namin ... hahaha! (Pwede mag-request? Gusto ko Winnie the Pooh bread toaster!)

wow ... 8 months nalang ikakasal na ako! Kailangan na ba ako magpanic? Nah! Bahala na si Lord. I know hindi Niya kami pababayaan.

Friday, February 24, 2006

Twenty Steps

I'm in Manila right now because tomorrow we're all going to Baguio for the Panagbenga 2006. We missed it last year due to the menningococcemia outbreak (hope I type it right hihihi!). Jason will come with us (yahoo!) which makes it more exciting. Enough of the wedding preps for a while... we need a break hehehe!

I was bloghopping and I got to see Edrei and Randy's blogsite (a fellow w@wie). I found her last post very cute and I wanted to share it to some of you who haven't read it. Like Edrei said, di applicable sa amin ni Jason yung story. Pero I find it very cute. Hope Edrei won't mind I borrowed her post :).

Dalawampung Hakbang

Isa... Dalawa... Tatlo...

Alam kong gasgas na ang linyang ito pero anu't ano pa, hayaan mong sabihin kong walang anumang salita mula sa kahit ano pang lenguahe ang magbibigay kahulugan sa pakiramdam ko ngayon.

Ikakasal ka na.

Mula sa kinalalagyan ko, habang dahan dahan mong binabaybay ang gitna ng simbahan, hindi ko mapigilang lumuha ng maliliit na patak. Ikaw ba talaga yan? Makailang pikit na ang ginawa ko, tinatanong ang sarili kung ikaw nga ba ang babaing nasa traje de boda. At kahit anong pikit ang gawin ko, ikaw nga iyon.

Parang kailan lang, kalaro kita kasama ang ibang bata. Alam ko pa ang itsura mo noon; tisay pero bulok ang ipin, naka-ponytail ka na palagi noon pa, at chubby. Bibo kang kalaro sa piko, pero kapag pikon ka na sa pang-aasar nila dahil sa lagi kang natutumba pag isang paa na lang ang gamit sa number 3 o kaya 4 na box sa piko, sa akin ka iiyak at aawayin ko sila. Madalas nila tayo tuksuhin pero wala lang sa iyo yon. Natutuwa naman ako noon dahil sa akin ka lumalapit. Para sa akin, ikaw na ang bestfriend ko.

Apat... Lima... Anim...

Binibilang ko ang mga hakbang mo sa altar. Ilang segundo na lang ay hindi ka na single. Masaya ka kaya habang naglalakad? May luha ka din sa mata, nakikita ko. Pero ang tanong na bumabalot sa isip ko ay kung luha ba yan ng kagalakan o kalungkutan.

Hindi kita naging kaklase sa grade school. Palibhasa palagi kang nasa star section. Sa service lang kita nakakasabay, at habang kumakain tayo ng cotton candy ay nagkukuwentuhan tayo tungkol sa mga nangyari sa araw natin sa school. At alam ko, nalulungkot ka noon kapag bababa na ako sa bahay namin. Magba-bye ako sayo habang aandar ang service at magtititigan tayo. Close tayo noong elementary. Ako ang bestfriend mong lalaki at ikaw naman ang tangi kong bestfriend na babae.

Pito... Walo... Siyam...
Mahal na mahal kita. At habang pinagmamasdan kita sa maganda mong gown ay parang natutunaw ako sa kinalalagyan ko. Nasa kalagitnaan ka na at maya maya pa ay magsisimula na ang seremonya.

Nag-high school tayo sa parehong school at sa kabutihang palad ay ka-section kita. Lalo pa tayong naging close kahit pa parating magkaaway ang mga barkada mong babae at ang mga barkada kong lalaki. Pero di gaya noong mga bata pa tayo, sa iba ka na tinutukso.

Sampu... Labing-isa... Labing-dalawa...

Pakiramdam ko, palakas nang palakas ang tugtog ng kasal habang papalapit ka sa altar. Nakangiti ka at kung minsa'y naititingin mo ang mata mo sa ibang taong nagagalak habang pinagmamasdan ka. Nasa sa iyo lahat ng atensyon.

Nagkaroon ka na ng maraming boyfriend. Ako namam ay umasa lamang na maibig mo. Wala akong naging ibang inalayan ng pagmamahal kundi ikaw. At tuwing pinapaiyak ka ng mga magagaling mong ex, telepono ko ang kumikiriring. Kaya nga noong nauso ang kantang "Halaga" ng Parokya ni Edgar, ay sobrang tinamaan ako.

Labing-tatlo... Labin g-apat... Labing-lima...

Maligaya ka sa panahong to, alam ko. Ikaw pa, kilalang kilala na kita. Bestfriend kita eh. Mula ulo hanggang paa, kilala kita. Kakatawa pero naaalala ko pa noong mga bata tayo, alam ko na ang mga panty mo ay yung may burdang Monday, Tuesday, hanggang Friday. Alam ko na noong elementary ay galit ka sa Sibika at Kultura at sa Principal nating tinawag nating Miss Minchin. Noong highschool, alam ko pa kung sinu-sino ang mga naging crush mo. Kabisado na kita. Alam ko kung mainit ang ulo mo, kung malungkot ka, kung hindi maganda ang pakiramdam, kung nae-excite at lahat lahat.

Alam ko din kung maligaya ka. At kung hindi man ako nagkakamali, nararamdaman kong masaya ka ngayon habang patungo sa altar.

Labing-anim... Labing-pito... Labing walo...

Basta maligaya ka, masaya ako. Yun naman ang gusto ko parati, ang maligaya ka. At ang tanging hiling ko s a panahong ito ay ang panghabam -buhay mo nang kaligayahan. Ayan na malapit ka na sa altar.

Labing-siyam..

Eksaktong ikalabing-siyam na ang ang hakbang mo, nabilang ko sa isip. Congratulations. Masaya ako at alam kong masaya ka rin ngayong ikakasal ka na...

Dalawampu... ...

sa akin.

Tuesday, February 14, 2006

Happy Valentine's Day

Last Sunday, my Tita Yolanda and I talked about the souvenirs for our wedding. I told her I want something the guest could use. And she gave me a party favor from my cousin's graduation day. It's a notepad and a pen ... it's so simple yet useful and kinda cute. Actually this week we'll gonna make a prototype. And my Tita told me na sagot na daw niya yung wedding favors ko. Sa Hawaii nya gagawin since all the materials and tools she needs eh nasa bahay nila. She'll deliver it on August. super tuwa ako kay tita... di na ako mag-iisip ng kung ano-ano pa sa souvenirs namin ni Jason.

I'm celebrating Valentine's Day in Laoag for the second time around. Kakalungkot not celebrating this day with Jason. This is our last Valentine's Day as boyfriend and girlfriend. Pero ok lang, next year naman eh we'll gonna celebrate it as husband and wife na.

I'm having a hard time looking for the mp3 of the song Happy Valentine's Day by: Trina Belamide. But I can share with you the lyrics. It's not a typical love song. When I heard it, nakakaiyak siya... whoever has it please send it to me ha ... hala nag-request pa ako hehehe!

Happy Valentine's Day
by: Trina Belamide
It's Valentine's day again
Chocolates and roses, dinner by candlelight
But not for everybody
There'll be three less roses given away tonight
'Coz Jimmy's girl got on a plane
He tried to stop her from leaving but tried in vain
And he'd hand her three roses now
But she lives so far away
To a lonely heart, how does one say
Happy Valentine's Day
It's valentine's Day again
Long-time lovers lighting the fire once more
But it's gonna be cold tonight
For someone whose lover walked right out the door
See, Anna's fighting back the tears
Broke up with her beau for nine long years
And she's throwing her dreams of walking down the aisle away
To a broken heart, how does one say
Happy Valentine's Day
Cruel, oh so cruel
Be with your lover and be glad
And if you're without a lover
Well, that's just too bad
Cruel, oh so cruel
No other day like this
Can make you long so much
For the one you miss
It's Valentine's day again
Jay's got the flowers, but somehow it's not the same
Though April's happy
'Coz all he can do is set them on her grave
It's been two years since she passed on
But somehow the pain still lingers on
And no other day can magnify it like this day
To a grieving heart, how does one say
Happy Valentine's Day
How do you say
Happy Valentine's day

Saturday, February 11, 2006

Proper Techniques for Carrying Your Bridal Bouquet

Kristine, A fellow w@wie, shared this very interesting article ..

Proper Techniques for Carrying Your Bridal Bouquet
On your wedding day, you'll be the center of attention. As you walk down the aisle on the most important walk of your life, all eyes will be fixed upon you. Of course you want to be an elegant bride who makes a smooth entrance and gracefully glides down the aisle without looking uncomfortable, feeling awkward, or dropping your bouquet.

To feel confident and self-assured, you'll want to make sure you are holding and carrying your bouquet appropriately. Not every bouquet is carried the same way. Typically, the type of bouquet and features of your gown will determine the way your bouquet should be carried.

Round, heart, cascade, and crescent bouquets are normally held and carried in front. These types of bouquets should be low enough to reveal the details on the neckline and bodice of your gown and are held with both hands as if your arms are resting on your hips. Although the natural tendency when excited or nervous is to bring the bouquet to your waist, chest, or even higher, try to avoid this so your arms are not held in an awkward, uncomfortably position and so everyone can see the beautiful details of your gown.

Small, lightweight and delicate bouquets, such as nosegays, clutch bouquets, or single blossoms, can be carried to your side with one hand and are generally held at the same level as a bouquet held in front. If your nosegay is mounted in an elaborate or family heirloom tussy mussy (a small, Victorian style, metal or glass, cone-shaped holder), you may choose to proudly display it by holding and carrying your bouquet in the front instead of the side. If you choose a tussy mussy holder for your bouquet, you'll notice that there is generally only enough room to hold it securely with one hand. For proper positioning, carry the tussy mussy upwards in your hand with your forearm bent slightly so it is horizontal (parallel to the floor) while your elbow rests comfortably on your hip.

Floral pomanders (bloom-covered balls or cones suspended from a ribbon) can be carried to the side in the same manner as a nosegay or in front in the same manner as a round bouquet. Typically, adult attendants carry pomanders to the side with one hand while children carry them in the front with both hands.

Arm bouquets feature long floral stems and should rest naturally and comfortably across the inner bend of your elbow so that the bouquet is cradled in your arms with the blossom end of the flowers facing away from your body. This holding and carrying technique is not only comfortable, but it also allows guests on one side to see the open blossoms as you walk down the aisle and guests on the other side to see the open blossoms as you walk back up the aisle.

Specialty bouquets such as fans, baskets, and prayer books should be carried according to their size and proportion. Smaller specialty bouquets can be carried to either your front or side, while larger baskets should be carried down and to your side.

Whatever style you choose, it's always best to hold and carry your bouquet in the most appropriate and natural way. You will not only look regal and confident as you walk down the aisle, but you will also avoid disappointment with your wedding portraits by ensuring that all photographs capture you holding your bouquet comfortably without raising it too high and covering portions of your neck, face, or the exquisite details of your gown.

Submitted By:
Kim McMullen
Something Spectacular Custom Floral Design

Return to Wedding Planning

Monday, February 06, 2006

Our Arrhae


My tita Yolanda arrived last Friday from Hawaii. She gave me an envelope (well sealed!) from my tita Evelyn in California. When I opened it, it was 13 gold dollar coins. whoopeee may arrhae na kami ... I wanted unity coins talaga pero kaysa gumastos, pwede na ito. Saka eto daw ang share ni tita sa wedding namin (besides the money pa hehehe). I love them so much grabe.


And eto pa, may Chronicles of Narnia book set pa ako from my Tito Junior in Pennsylvania. Sabi nga niya sa akin, ikakasal na ako pero Narnia pa hinihingi ko sa kanya. hahaha!