Souvenirs
Wine holders for the Female Principal Sponsors
Wine holder for our Male Principal Sponsors
Wine holder for our parents ... hehehe siyempre dapat meron din
Photo frames shaped like a window for all our guest. Bakit ito napili ko? Kasi we're both Architects (ako technically, siya licensed)
Any comments whatsoever?
I had my 2nd fitting with Mr. Jun Ricaforte … konting revision nalang sa sleeves, though na-gets na nila yung gusto ko, whooopeee! Kaso ang problem tumaba ako L ang sikip talaga ng gown ko … exag ba? Hahaha! Masikip siya as in masikip kaysa nung una kong fitting. Sabi ni Jun, mag-diet na daw ako …kasi wala na daw siya magagawa sa fitting ng gown ko kung lagi lang niya luluwagan eh wala na, kaya machachallenge daw ako ngayon magdiet talaga … kailangan kasi … susme hindi ko talaga siya masusuot promise huhuhu! Buti kung stretchable yung gown.
Twin Hearts called us na ang schedule for our Pre-Cana is on Aug. 1 at 1:30p.m. susmiyo … eh yun yung araw ng prenup shoot naming nila Paul at Dan … buti tinawag sa akin agad ni Jason at nasabihan ko sila agad na kailangan ma-resched yung prenup kasi yung Twin Hearts hindi pwede mag-adjust. Buti nalang din kahapon eh magkasama si Paul at Dan kaya nag-sync na sila ng scheds nila that end up to Aug. 10. Ok naman daw kay Jason … eh lalo naman ako kasi wala naman na ako work that time hahaha. Prenup location is in UP Diliman and Parks and Wildlife … no choice eh, wala na kami budget for out of town shoot :D hehehe!
6 comments:
Ang cute cute & unique ng wine holders!!! I absolutely love the significance ng window frames. You definitely have to tell that to your guests para ma-appreciate nila di ba?
Lapit nyo na sis!!!
oo nga sis ang lapit na namin ... and still I'm not losing weight waaaaaaaahhh! kailan ba ako papayat? kasi naman yung medicine ko sa allergies may steroids ata huhuhu!
hi anne! love your tokens. cutie! pati ung frames ha. sabi mo mura lang dun sa shop? ayan, naeexcite na ako punta dun.
=p can't wait for your prenups. post agad ha!
i love your tokens sis! ganda!
about sa prenups, naku let's pray na di na maulan that time. we had ours sa Parks and wildlife sometime october last year. Maulan kinahapunan kaya maputik sa park. Good thing cloudy lang siya nung prenups day namin and the sun peeked a little. Yun nga lang humid kaya medyo sweaty galore ang beauty kainis!
happy preps!
QT: hi sis ... na-eexcite ka na ba sa UNTC escapade mo? dinala ko si mom dun when I got my souvenirs. grabe ginamit niya yung GC's namin eh hahaha. oh well mga nanay talaga hihihi. will post the prenup pics ASAP (tagal naman ng Aug. 10)
Mai: naku sis mai, sana nga maganda yung weather sa Aug 10 para ok ang prenup shoots namin ... excited na nga kami eh hehehe.
cutie naman ng souvenirs mo sis! :)
goodluck din sa prenup nyo ha? kami by august or sept pa yata! kse unpredictable ung whether ngayon accdg to Mimi! :D
Take care sis!
Post a Comment