Monday, September 18, 2006

Updates of An Excited (sobra!) Bride

Actually, marami nangyari this past few days. Try ko lang i-recall lahat. Mag-a-update lang ako about my accomplishments as of today. hehehe!

Done with:

  • Church: Twin Hearts – fully paid – All requirements passed ... waiting for misalette approval.
  • Reception: Windmills and Rainforest – 50% DP – maximize number of guest to 300... bakit? Well, just happened that Dad finally decided he wanted to invite his friends sa office. He feels guilty daw kasi, everytime yung mga anak ng mga officemates niya kinasal, eh iniinvite daw siya (Dad, siyempre boss ka, saka di sila maka-leave w/o your approval.) Hehehe joke alng po yun ha ... no offence meant. Confirmed that the chocolate fountain is free w/in our package. Ms. Nora told me that I don't have to worry coz hindi daw mauubos ang chocolate fountain. Refill ng refill... ay grabe! Baka wala ng uwian yun hahaha!
  • I Do Bridal Gowns - Bride's gown and Female Entourage gowns - 75% paid - last Fitting on Oct 7. Pumayat ako at napansin nila yun dahil ang luwag daw sa may bewang hehehe. Pero nagpagawa pa din ako ng corset dahil yung puson area malaki pa din hahaha. Hindi na ata liliit yun hehehe.
  • Tesoro - Immediate Male Family member and Groom's Barong - Fully paid, picked up after a week. Since Dad has been a client for too long, lahat ng barong na pinagawa ni dad including Jasons; Kuya and Bunso ... nakakuha kami ng discounted price. And those people really saw us grow. Kasi minsan sinasama kami ni Dad dun pag nagpapatahi kami ng Barong niya.
  • Photo: Paul Vincent Photography – paid 50% - paid also printing and binding of guestbook. Hindi kasi kasama sa package niya yun. So instead mamroblema pa kami san magpapa-bind o magpapa-print eh si Paul na ang bahala dun hehehe.
  • Video: Dan Pamintuan - paid 50% - sa wedding day na kami magkikita ni Dan kaya no updates for him.
  • Cake: Sugarbox – 50% DP - I texted her last week if she can add gift tags for the mini cakes. because those are also one of my gifts for my entourage. Ayaw namin sila mawalan ng cake so better may pangalan na yung per box of it. Para mahiya naman sila kumuha ng cake hahaha! Sabi nya ok daw na gawin niya yun for me pero siyempre, ako daw magpoprovide nung tags, siya lang daw magkakabit. I think I can do that. :)
  • Flora@eleven01 - Flowers for entourage - paid reservation fee - hay di pa ako makapag-sched ng appointment with Mr. Rex kasi naman inaayos ko na muna lahat bago yung mga small details. Para di ako mangarag.
  • Suarez Wedding Rings - fully paid na - hehehe i love our rings. Pero Jason and I are planning to have a pair of silver ring para sa pang-araw araw na gamitan para daw hindi maluma yung rings namin. Hmmm ... may Titanium rings ba dito?
  • Invitations: Vprojekt Design and Concepts – fully paid, distribution still on going. Ang DIY sa invites namin is yung RSVP Map at yung parang tassle na nakalagay sa mga two-page invites. For plain guest kasi, one page lang nilagay namin. Yung Labels din kami ang gumawa ni Jason. Actually, idea niya yun. Very simple but elegant. Some of our guest love it.
Eto yung mga naka-dangling sa invites na ginawa ko. Mga spare to dun sa ceremonial cord na ginawa ng pinsan ko, kaya ginawan namin ng paraan na di masayang at ginamit ko for our invites as well as our DIY Pens. Mas mabilis talaga ako gumawa ng DIY pag nandiyan si Jason. Saka napapagalitan na kami ni Dad ang bagal daw namin gumawa hahaha. Kaya ayan hinapit talaga namin. Ok na kami sa guest namin. Kaso sila dad ang marami iniinvite kaya hinahapit namin gawin mga invites nila. Feeling nga namin magpapadagdag pa kami ng invites. Kasi po naman, ang spare nalang namin ngayon is 10 pcs nalang ... eh mukhang madadagdagan pa. Huhuhu!

  • Souvenirs – Unique Novelty Toys Corp. – fully paid – picked up the items, for wrapping nalang. Nakagawa na ako ng photo inserts sa frame. Kaso ang problema paano siya babalutin? Kasi medyo malaki yung photo frame. Magastos sa tulle ... hinihintay ko nga yung pinsan ko na tulungan ako. Medyo busy pa ata. So set aside muna siya.
  • Wedding Paraphernalia: Home and Bride Essentials – fully paid ... ganda ng outcome. I Love Ms. Gerri's work.
  • HMUA: EJ Litiatco – paid 50% DP – gonna have my beauty regimen 3 weeks before the wedding... special offer for brides.
  • Band: Velvet Mood by Gary Silang Cruz – paid DP, finalize nalang songlist for them. Hehehe ang hirap kasi mag-isip ng list of songs lalo na kung gusto mo lahat yung nasa repertoire nila hahah.
  • Bridal Car: AdeB - booked the Benz E320 model, downpayment to be paid on Tuesday. Ok kausap si Ms. Lester. Kaya I booked them agad. And the cost of their rentals is so affordable. Malapit pa sa bahay nila Jason yung office nila so si Jason na yung pupunta sa office nila to make the downpayment.
  • DIY Pens conceptualized by Jason. Hindi kasi ganyan ang original plan ko. Pero mas easy and cute ang naisip niya. I bought the pens for only 8.50 for 3 pieces. Imagine 8.50 ang price ng tatlo... retractable pa yan ha. Another cheap find. Akala ko talaga super magagastusan ako sa pens na gagamitin sa guestbook. Pero hindi pala hehehe.
  • Hotel Preps - Hotel Rembrandt - booked 2 Family Suite and 1 Executive suite. Pero baka madagdagan pa ng rooms dahil yung mga tita ko from the states na pupunta sa wedding namin iha-house na din namin sa hotel.
  • To-Do's:

    1. Misalette – draft is done already for approval.
    2. Guestlist (ok na pero nadadagdagan pa)
    3. Party poppers
    4. Songlist for the quartet.
    5. Wedding Reception Program (papa-check pa kay Jason kasi baka may i-rerevise pa siya)
    6. Mini wines for the wine holders (Principal Sponsors)
    7. Honeymoon Getaway (wala na sa budget hahaha)
    8. Souvenir wrapping
    9. Hotel Preps wardrobe hehehe!
    10. Accessories (hay ano ba ...dami pa pala)
Ang balita ko pa, my Auntie Josie will sponsor a feast sa Laoag ... parang lunch / dinner na rin for our kamag-anak na di makakapunta sa wedding namin. Ang saya... dalawang party ang wedding namin. Kakatuwa. Ma-iinvite ko na mga friends and officemates ko sa Laoag. Sana naman pumunta sila or else uupakan ko na talaga sila apg di pa sila pumunta hehehe. Sabi nga nung isang pinsan ko napurnada pa daw ang honeymoon. Suggestion niya, tumuloy nalang kami sa Fort Ilocandia instead sa bahay kami matulog. Para parang nag-honeymoon na din daw kami. After nun sabay fly kami to Bohol. What a great idea insan.

So I guess wala na ako nakalimutan. Yan na muna hehehe! OK back to ... to ... hmmm... ano nga ba gagawin ko na?

15 comments:

dionne September 18, 2006 8:37 AM  

looks like all's been covered. lapit na sis! goodluck!

Unknown September 18, 2006 9:31 AM  

thanks sis dionne ... lapit na nga sobra. parang excited na kinakabahan na ewan ako. hihihi! yesterday nagka-canvass na kami ng bed ni Jason eh. whoopee!

Heidi September 18, 2006 12:35 PM  

Uy! we have something in common, we also had a second reception in Ilocos but ours was in Sinait, Ilocos Sur because hubby is from there and his Mom threw us a second lunch/reception for his relatives that weren't able to make it to the Parañaque celeb. Tapos instead of staying at their house agad when we went there, we stayed at Davie's Hotel & Resort para honeymoon tapos uwi din kami sa house nila after 3 days. Anyway, you're on the right track with your preps so just keep it up! And thanks for the kind words... Mwah!

Unknown September 18, 2006 12:40 PM  

Malapit lang yung Sinait sa Laoag... mga 2 hours travel hehehe! Super excited na talaga ako sis hihihi! mwah!

Anonymous September 18, 2006 4:49 PM  

WOW Ann!!! Sarap naman ng feeling nang dami nang na-accomplish. Ang cute cute naman ng DIY invites nyo. Kami nga nag-coconsider na rin na DIY na lang para maka-tipid kahit konti.
UY! I was in Hotel Rembrandt last August for my Best friend's wedding reception. Yan yung malapit sa ABS CBN di ba? :)
LAPIT NYO NA!!! All the best sis!

QT September 18, 2006 7:54 PM  

hi anne! grabe, nakaka overwhelm ang accomplishments mo. sana pag 1month to go na lang din ako, ganyan din kadami maayos ko. ang prob ko kasi are the little things - ung details. hirap pala! am so excited for u. ask ko lang, how much ung bridal car nyo?

take care!

Mai September 18, 2006 9:28 PM  

grabe lapit na nga! naalala ko tuloy at namiss ko wedding preps last year. Sarap kasi pag maraming accomplishments eh lalo na kung lapit na wedding day. Good luck!

Unknown September 19, 2006 1:58 AM  

Sis Maeyo, yup malapit sa may ABS-CBN yung Hotel Rembrandt. Oo nga pala, umuwi ka nga pala last August sa Pinas no? hihihi!

Sis QT, I'm sure magiging relax ka na din by November ... lapit ka na din hihihi. 3,800 yung E320 ... yung Bug eyed 6,800. 3 hours yun sis tapos pag exceed na sa 3 hours, 1000 na per hour.

Sis Mai, super lapit na nga. Nararamdaman ko na kasi talaga eh. Mized emotions kasi eh. Kinakabahan na happy na di maintindihan hehehe.

Thanks gurls, super napangiti nyo ako mwah!

alynn September 19, 2006 5:25 AM  

weee, may bridal car na sya... ;)

Unknown September 19, 2006 11:25 AM  

yup sis Alynn, buti nga nakahabol eh. whoopeee!

Rainier & Katrina September 19, 2006 12:07 PM  

Hi Ann!

Grabe! Nagulat naman ako sayo sis... Lapit mo na! Small things really counts. Un nga minsan ang nakaka-imyerna at nakaka-pressure! hahaha! Cutie ng ballpens mo... Para sa guestbook ba yan at souvenirs as well?

Unknown September 19, 2006 6:24 PM  

Para sa guestbook lang siya Sis Kaye, pero I'm sure iuuwi na nila yan after hahaha! Yung souvenirs di ko pa sila nababalot eh, di ko pa alam kung paano. Post it when its done na. ganda ng entou gowns mo ... nakita ko sa blog mo.

cheryll September 26, 2006 10:09 AM  

hi sis!

lapit na talaga :) mukhang busy na ah..di na gano nakakapag-update hehe. aabangan ko talaga suppliers rating mo kasi dami tayo parehong suppliers e.

btw sis, ask ko ung sa vprojekt na rates for invitation...mga ano ung price range nila?

Unknown September 26, 2006 6:37 PM  

hi sis, medyo tinatapos ko yung mga souvenirs namin and may mga pahabol pa kasi sa mga invitations kaya saka na ako mag-a-update

as for Vprojekt ... it depends sa like mo. like ours was 55 pesos a set. Yung Label and RSVP kami nga lang gumawa.Madami ka pagpipilian na designs nya saka mabait si Ms. Trina. She will give suggestions and prompt siya mag-aswer ng emails and text messages.

cheryll September 27, 2006 10:33 AM  

hello ulit!

yup, prompt nga sya mag-reply, nag-send ako email yesterday, me reply agad. na-mention nya nga na depende sa budget ng couple ung paggawa nya ng invitation.

sana ito na :D