SOUVENIR
During Milenyo is trying to create a disaster in the country (which it already did), I got time to make our souvenirs. And we ran out of ribbons and tulle. Hay o hay ... grabe nga eh. 150pcs kasi ang gagawan namin ng cover. Eh ang nabalutan palang is 100, nagkulang pa sa 50 pcs. Jason and I bought a different material and color of tulle. Kasi kung maghahanap pa kami nung katulad nung dati eh magkakasapot na kami sa paghahanap nun hihihihi. I actually bought the ist tulle in UNTC. But Jason told me that we should buy the Turquoise colored tulle for the 50 pcs. nalang tapos ribbon na yellow yung pang wrap. hmmm ... mukhang ok naman yung idea. So here's the finish product ... Pare-pareho ang laman pero 3 kinds ang packaging niya hihihi. At least hindi monotonous. Obvious ba na inubos lang namin yung ribbons na tira sa DIY's namin? hihihi!
Eto pa, while I'm doing our souvenirs sa sala namin, may kumatok sa gate... Si Joey Generoso pala and his wife. Si kuya kasi nakakuha ng contrata sa renovation nila. May huge aquarium siya sa bahay nila na kailangan plug on ang airator (tama ba spelling? hahaha) kaya si kuya gumawa ng load whatever (something electrical). Hindi ko alam kung ma-Star struck ako kasi right in front of me is Joey G. He was asking pa nga what am I doing... sabi ko "Souvenirs for a wedding" ... di naman nila tinanong kung wedding nino kaya di na ako umimik. hahaha!
We're still looking for mini wines for our Principal Sponsor's gifts. I already got the pashmina shawls that will go along with it. Yung mini wines ang problema huhuhu. Mukhang sa Ilocos talaga ako makakakuha ng 187 ml na Carlo Rossi red wine. Wala talaga kami makita dito sa Manila ng ganun. Sabi kasi nila they don't order mini wines because hindi naman daw masyado mabili hehehe. Hmmmm... why kaya? I already finished doing the Wine labels. Wine nalang talaga at gift tags.
HOTEL PREPARATION VENUE
We already booked Hotel Rembrandt and Great Eastern Hotel. Pero compared to the price saka yung itsura ng hotel, parang ams gusto daw niya sa Century Park Hotel. Wh kaso ang layo naman kasi niya sa Twin Hearts at Windmills. Manila yun, QC ang ceremony and reception venues ko. Pano kaya yun hahaha!
So nung weekend, Jaosn and I tried going to Sulo Hotel. Ok ang Sulo hotel, spacious ang mga rooms...yun nga lang ... fully booked na ang hotel sa 27 - 29 waaaaaaaaaaaa! Sayang grabe! Yung Great Eastern Hotel, pupuntahan daw ni Jason bago sila mag-meeting. kasi di namin nasilip yung rooms dahil fully booked sila. Weekends kasi eh. So try nya ng weekday. pag ok sa kanya, malamang Great Eastern na kami.
INVITATIONSMy fault that not everybody got their invites. I still have 8 invites na di pa nabibigay sa mga friends ko. kainis ako talaga. Pero they know naman na kaso wala kasi na time to meet them at mag-house to house. Kaya I get through them on text and email. Buti nalang they're so understanding kaya ok na din. Dad and Mom just sent out some of our invites sa Bulacan. Dun kasi kami lumaki. And they wanted all their friends there na makarating sa wedding namin. And wag ka, nag RSVP sila na they're coming. Ay naku, yan RSVP na yan di talaga uso sa Pinas, out of 120 invites sent... ilan lang nagreply hihihi. Manghuhula tuloy kami kung sino2x ang pupunta.
GOWN AND BARONGLast fitting ko sa Saturday. Di ko alam kung tapos na kasi di ba masama nga sukatin yung gown ng tapos na. And I think makukuha namin yun 2 weeks before the wedding. Grabe lapit na talaga. Kasama na lahat ng accessories except yung earrings and necklace. Lola Dolly gave me a silver bangle with Swarovski. I'll be using this on my wedding day. Hindi na ako bibili whooopeee! It's so pretty ... simple pero ang ganda. Kaya earrings and necklace nalang ang bibilhin ko. hihihihi!
NEW DOGKimchee, 4 month old Samoyed puppy
Lola Dolly also gave Dad a 4 month Samoyed puppy. Yahoo a new puppy. We gave her name Kimchee ... her mom's name daw kasi is Kim. Hihihii! She's so adorable. Medyo baby pa talaga. Addict sa yakap at halik. Dad adores her a lot. Kaya selos to death na si Iwa and Popoy.
Kimchee and Iwamoto before the grooming and vaccination Shot taken after the grooming ... hehehe see the difference?
They had their vaccinations and pina-grooming na din namin si Iwa (Tibetan Terrier) kasi buhol2x na yung hair niya hanggang anit kaya need na ahitin talaga. Nakakatuwa itsura nya ngayon. Mukha siyang daga hehehe. Pero cute pa din hihihi. We bought them dog stuffs and food. Birthday kasi ni Popoy last Sept. 24. Kaya we gave them gifts. Super tuwa ang mga dogs namin. Coz everybody had their new collars and new leash. Plus toys na di tumagal ng 30 mins, sa sobrang gigil nasira agad hehehe.
GOODBYE BRACES ... HELLO RETAINERS
I had my braces for almost 3 years na. And it's a good thing na natanggal na din siya. Gumaan yung feeling ko. Kaso I need to wear this retainers. Kahit manlang hanggang mag wedding ko daw para di daw bumalik agad sa dati yung ngipin ko. Susme, nahihirapan ako magsalita. Bulol na nga ako, lalo pa ngayon hahaha. Up and down kasi yung retainers ko, and I don't like the acrylic taste. Naiirita ako hahaha!
FLORIST
We'll be meeting Mr. Rex this coming Wednesday to discuss the flower deatils for my bouquet and entou flowers as well.
STRING TRIOMs. April fax us the brochure for our music on the 28th. Hmmm... grabe dami ko pa pala kailangan gawin huhuhu!
MISALETTE AND RECEPTION PROGRAMGagawin ko to pag nakasingit na ako sa PC ng kapatid ko kasi dun lang may access ang printer hahaha! Gumagawa kasi siya ng thesis eh. Pero ie-edit lang naman ng konti. Saka gagawin ko din yung misalette cover namin hihihi! dami pa pala gagawin.
KIKAYNESSI told my brother I wanted to buy a c0logne kasi wala na ako cologne. We went to Penshoppe ... eversince favorite ko na ang scents nila. And a new discovery, their new Eau de Toilette named Enchante has a very sweet scent. Super pa-girly talaga. Parang candy na mentholated na di ko maintindihan. Basta mabango siya, di siya matapang. Natuwa nga ako when we tried it. Sabi ko nga matutuwa si Jason dito hehehe gigil mode joke! I purchased one and I wanted sana to use it on our wedding day. Pero pag-iisipan ko muna dahil my Tita already bought me a Clinique Happy Heart Perfume hihihi. Just in case some bride to be who wanted a good and lasting scent at a much affordable price, try this one. It only cost 299.00... mura di ba? Hihihi!
RINGS
We already have our rings. Kaso we wanted a pair na for everyday use. I went to Filgrenesia, I saw silver rings raging from 700 and up. And it's so pretty. I told Jason about it pero sabi niya saka nalang muna, unahin muna ang dapat unahin. Eh sabi ko kasi kailangan din isama sa pag-bless ni father yun sa wedding natin para blessed din yung pair na yun. After what happened to him last night, ean ko nalang kasi tight ang budget. Ako nalang siguro magpoprovide for us.
A CAR ACCIDENTSee the distance between him and the damage part of his car. God saved him talaga.
Jason met a car accident last night after his badminton game. He was hit and almost runned by a PUJ who's taking somebody to the nearest hospital. May sakay kasi na nasaksak. Kaso kawawa naman si Jason, ang laki ng damage sa car niya. Saka lakas ng impact sa kanya kasi umikot daw yung car niya and slammed at one of the LRT post in Aurora Blvd. The driver is drunked ... and driving w/o a license. Malaki ang offense nya and panalo talaga kami kung sasampahan ng kaso. Pero ano ang ipapambayad sa amin ng jeepney driver? Kahit lumuha ng dugo yun, wala maibibigay na pambayad yun.
Jason decided to sell the car in it's present state. Wala na siya pera pampagawa nun. And hindi yung ang priority niya as of this moment dahil everything he has right now sa wedding naka-concentrate. So the car would be set aside muna. hay, wala na kami car :( yung car na yun have shared good memories with us. Kaya mahirap i-let go. I was the one who got emotionally attached lang. Si Jason wala sa kanya yung mga price possession pag pinipeste na siya eh. Kaya maganda talaga dispatcha na.
We don't really belive in superstitions ... pero naniwala ako kagabi lang. Dahil nangyari nga ... Jason did inform his playmates and co officers in UAP that the whole month of October, hibernate mode siya. Hindi muna siya maglalaro and everything, wala muna attend ng meeting. Hindi pa din siya naniniwala sa sabi2x pero gagawin niya yun for the sake of both sides who are concerned sa amin dalawa. His mom told him na wag na kasi maglalalabas ... as well as mom and dad told me to tell him not to go out too much. Ayan ... hahaha! Matuto siya. Kasi ako wala na talaga ... hindi na ako masyado lumalabas talaga promise. Kahit may gimik ang friends talagang ako hibernate mode.
Photos will be shared soon ... nasa cam ko pa kasi ... tamad mode pa ako ... yan nalang muna share ko... nagparamdam lang.