Sunday, November 19, 2006

Samu't Saring Kwento...

EYEING FOR A CAMERA

Why does everyone seems hooked on Canon EOS 400D? Can somebody tell me how much this cost? Nainggit na din ako gusto ko na bumili eh waaaaaaaaaa! Tagal ko na din gumagamit ng point and shoot cam ... this time dapat i-enhance ko naman ang aking hobby. Dati I'm eyeing on Canon 40D ... pero mukhang papatusin ko na tong 400D ... kaso ang pinakamalaking tanong sa lahat??? May budget ba ako? Hahaha! Lakas ng loob kong mangarap, trabaho nga wala ako hehehe! Is it our in the market already? Parang nakikita ko lang lagi yung EOS 350D. Share naman diyan ng info po oh ... We kept on bugging dad about this (parang wala pa akong asawa ... asal bata) to buy us a cam eh hihihi.

3 WEEKS OF BEING MARRIED AND MORE...
It's a great feeling waking up seeing Jason first thing in the morning. We'll greet each other with a kiss and a "Good Morning" and a hug. Parang ayaw mo na tumayo sa kama. Kaso di naman pwede yun, kailagan naman niya magtrabaho para sa amin. While me, still struggling to have a good job for both of us. A lot of people already give my referrals to their boss baka sakali ma-in di ba? So I'm still keeping my fingers crossed. God has plans ... and I'm willing to wait for the right time. I love taking care of Jason. Lalo na pag meal time. Ako lagi nagpeprepare ng food niya. Somebody from our guest gave us a sandwhich maker and it has been my best friend eversince. I love preparing sandwhiches because of it. Super love ko siya. Ang dami na nga namin naimbento na combo dun like Cheese and Strawberry Jam, Strawberry Jam and Butter etc. One time, I made instant pancit canton and grilled cheese sandwhich for meryenda... Jason love it. Basta daw luto ko kahit instant pa daw yun masarap daw... awww... i love you Labs. mwah!

TAGAYTAY AGAIN...
We went to Tagaytay again last Nov. 12 to visit Tito Junior's house. So far 40% ok na siya ... hmmm... buti nilinaw nila yung contract. Kasi ang sabi dun 90 days ang construction. Binilang kasi namin yung time na nagbayad sila Tito until now. Eh sobra na sa 90 days kaya... yun pala at the start of construction yung 90 days ... so mga January hoping kami tapos na to. Since nagpa-barbecue party yung mga ahente ng house and lot eh mega kain naman kami. Nag-coffee sa Starbucks (sa walang kamatayang Starbucks). And good to know that Peppermint Mocha is back. Yehey! Kaya super nafi-feel ko na talaga ang pasko pag may peppermint mocha na ang Starbucks. As we're on our home, nakita namin yung Market! Market! Hindi pa talaga kami nakakapunta dun ever. Kaya nag-U-turn agad si Dad at nagpunta kami. Ok mamili dun ha, sosy na tiangge. Kaso hindi masyado na-appreciate nila dad dami kasi tao. Pero We got a chance to buy a jewelry box for me and Jason at Accessorize it ba yun? Nakalimutan ko hahaha! There's a variety of boxes, ribbons, etc. And pwede mo tawaran. Mukhang babalik ako dun ... wag lang mainit ulo ni Jason hahaha.


HAPPY BIRTHDAY MY LABS!
Last Nov. 15 ... It's Jason's 32nd birthday :) I just cooked bake macaroni (yun ang request niya) and fried chicken. Sobrang simple no? He never celebrates his birthday. Nung naging kami, saka lang daw niya na-aappreciate ang birthday. Awww ... When we did groceries for our supplies sa bahay ... I got the chance to get my new eyeglasses. Pano kasi Jason accidentally stepped on my glasses. Di naman nabasag pero na-deform na siya ... tabingi na yung sa left eye hahaha! Eh nakita ko yung eyeglasses ni EJ nung wedding ko ... kaya bumili din ako ng Loft ... pero semi reamless yung sa akin ... and guess what? ang color niya is Teal and Yellow hahaha! Motiff! As usual, napagalitan nanaman ako ni Jason for being gastadora. Sabi ko di naman ako bibili kung di niya natapakan yung eyeglass ko hahaha! Super natutuwa ako sa supermarket ng SM ngayon. Mas organized na saka may area na sila for pizza freak people. Nasa isang kiosk yung ingredients you need in making pizza.

A TEXT MESSAGE...
Last Friday, Paul Vincent texted me that he'll give our photo CD (yung hindi pa enhanced version) kasi sa sobrang dami ng coverage nila (sunod-sunod) eh baka matagalan pa sila magbigay ng enhanced photos namin dalawa. So ibibigay niya na muna yun, para ma-choose na din namin yung ilalagay namin sa coffee table album namin. Saka ibibigay din naman niya yung enhanced version pag natapos na nila. Fine with me ... matigil lang nanay ko kakakulit sa akin kung nasaan na yung mag photos hahaha!

FRUSTRATION
Since we called off our honeymoon trip last Nov. 4 to give way to our post party wedding celebration in Laoag, it seems that all the dates we have in mind are already booked. Hay naku ... even January of 2007 booked na sa Panglao ... kakainis. Since peak season na eh medyo nahihirapan natalaga kami kumanap ng honeymoon destination ngayon. Pag hindi man kasmi nakahanap this year ... baka early January nalang. Sobrang late na honeymoon namin ah ... minsan nakaka-frustrate. While others are raving about their honeymoon trip ... kami ni Jason wala maikwento kung san kami nag-honeymoon. When everybody asked us where ... we just tell them "Sa kwarto namin" wahahaha! ang corny di ba? Hmmm... why not go to Tagaytay or Baguio... what yah think labs?

ANOTHER WEDDING...
Yesterday was my cousin Elixir & Ivy's Civil Wedding that took place at Max's Caloocan City. Again, ninong and ninang nanaman sila Mom at Dad. At ako sinama kasi videographer at photographer nila. Feeling naman ako ... eh point and shoot lang naman mga camera namin wahahaha! Lahat ng shots ko sa wedding nila experimental hihihi. Ewan ko kung ma-aappreciate nila yun. Anyway importante may photos nila nung wedding nila. And medyo may business venture kami ng pinsan ko ngayon. Mga ilang beses na kasi yun gumagawa ng kung ano-anong kakikayan sa mundo eh hindi pa kasi gawin business talaga. Kaya mega picture ako ng mga gawa niya. You can view her works at Ana cre. Congratulations and best wishes to you Elixir and Ivy. Welcome to the circus hahaha!

Today, Jason woke up very early. Because he's going to watch Pacquiao-Morales Match at SM Fairview with my brother and Dad. Pero susunod kami ni Mom sa SM kasi naglambing si Mommy na its been 5 years na wala kami Christmas Tree, eh it's about time to buy na daw kasi para daw ma-feel ni Jason ang pasko. Pumayag naman si Dad ... ayan shopping galore nanaman kami ni Mom ... yehey! Who do you think might win?

2 comments:

QT November 20, 2006 6:29 AM  

hi anne. i think wanda was able to buy a canon 400d in hidalgo, i think that's near quiapo? im not sure how much it costs there pero i think it has the lowest introductory price. ok naman sya, specially kung newbie ka pa lang. usually, slr na talaga next step after a point and shoot cam.

ikaw kumuha nung pic ng rings nila? galing! parang expert!

take care!

Unknown November 20, 2006 8:52 AM  

Ah dun pala, I know where Hidalgo is. I read about that sa phphoto yahoogroups. And you're right, sila ang may pinakamababang prices ng camera. Kung alam ko nga dati, yung mas matinding point and shoot cam na ang binili ko.

yup, ako nag-shot nung rings nila hihihi blush naman ako dun. Thanks mwah!

Uy lapit na wedding mo ... can't wait .... excited na ako for you mwah! happy preps!