Tuesday, November 21, 2006

Yahoo... lapit na pasko!

Since mom made lambing to Dad about having a Christmas tree ... well her wish came true last Sunday. We bought this 8 ft. Fiber Optic Pink Christmas Tree. Weirdo ba namin? Oo pink siya hihihi! may libre ng decor yung tree naka-scatter na sa tree mismo ... in gold. Dinagdagan alang namin ng fuschia na Xmas balls 2 years back na natago pa pala ng nanay ko. Super duper cute niya. Tapos yung nag-iisang parol namin that Dad bought 6 years ago eh sinamahan na namin ng Xmas lights. Kaya ayan ... hindi na siya lonely, may kasama na siya.

Jason and I also bought this ... ewan ko kung ano nga ba tawag dito ... pero organizer siya which we hanged on both sides of his computer table. One for him and one for me. All kinds of stuffs like pens, cutter, scale, ruler, everything he needs sa work nakalagay diyan. While naman sa akin usually nakalagay medicines, hair clips, my eyeglass pouch, scissor...lahat ng kakikayan nanjan ... kaya di na masyado mess up ang things namin because of this. Ang cute niya and very affordable. Pwede siya pangregalo. May idea na tuloy kami ni Jason sa Christmas Party ng barkada niya.

Last Sunday din, we bought silver rings at Ibay's ... something we can use everyday para di masyado maluma or magasgas yung rings namin. Katulad ni Jason, he usually goes to construction site to check on his projects and goes to his weekly badminton games. Better he'll wear something na kahit mawaglit niya eh ok lang. Pero if we're going to mass and special ocassions, we'll gonna wear our gold rings. Super simple lang. Dapat di na kami bibili since we already have our commitment ring nung bf and gf pa kami. Kaso yun nga, he lost his ring after he took a shower after a badminton game. Sabi niya mapapalitan na daw yun when we get married. Pero ngayon natatakot naman siya suotin pag naglalaro siya kasi nga baka mawala nanaman. Kaya kami nag-decide na bumili nito. Sumasama kasi loob ko whenever he goes out and never wear our rings. Ewan ko kung ako lang yung ganun ... hihihi!

Ang daya ng bagong blogger ngayon. Parang dreamweaver type na siya. drag and drop nalang ... if I were a dummy on HTML super duper user friendly to. Well, the reason why I discovered the newly improved blogger is because Jason asked me to make a blog of his sample of works. Problem kasi hindi naka-embed yung name niya sa mga photos. Worried lang ako someone might claim na he's the one who designed it blah blah blah ... eh sabi naman niya "Si Lord na bahala sa mga taong ganun" See how super bait ng asawa ko :D. So guys if you have time to browse his works, click here.

Mom asked me last night kung may period na daw ako, sabi ko wala pa. Kasi she suspected daw na baka I'm already pregnant. Kasi ilang araw na ako nagrereklamo na parang nangangasim ang stomach ko kashit busog ako. Saka every morning nagchi-chill ako pero pag nagkumot naman ako naiinitan ako bigla. Sabi niya kasi when she was pregnant, she had the same symptoms like mine nung mga weeks palang siguro. Na-bother din siya of me taking my allergy tabs. Kaya I texted Dra. Sandejas agad if antihistamines are safe for pregnant women. She told me na kung may hunch na daw ako na I'm pregnant better stay away daw muna sa mga food or anything that will trigger my allergies. First 3 months no meds for allergies muna or anything ... after nun pwede na. My cousin is already insisting I buy an EPT kit na para malaman na daw. Sabi ko ayoko muna kasi baka maudlot. Siguro iwas allergies muan ako ...except the hamog na lagi ako pinipeste sa umaga. Himala kasi pag wala akong sipon sa umaga.

Right now, Jason and I are arguing on what to do about this 10k worth of Rustan's GCs. Sabi ko sa kanya shopping galore kami sa Rustan's Gateway para masaya ... he did agree pero siguraduhin muna namin na hindi na talaga tinatanggap yung GCs sa supermarket ng Rustan's ... mas ok kasi yung 10K worth na yun ipambili nalang ng groceries. 2-3 months supply din yun di ba? hihihi! Well, my hubby does have a point. I'm a shopping bug while he's not ... opposites do really attract.

5 comments:

Heidi November 21, 2006 3:32 PM  

Kakainggit naman may shopping galore kayo sa Rustan's... hehehe!

Maeyo November 22, 2006 12:16 AM  

Buti pa sa inyo pasko na... Cute ng tree. hehehehe. I've never anything like that before. :)

Saves on putting up "buhol-buhol" na Christmas lights! hehehe.

Unknown November 22, 2006 8:29 PM  

hi sis Heidi, hihihi hindi natuloy ang shopping, pwede daw ang GC's sa supermarket hihihi. Pero sabi ni Jason magtitira kami for our Christmas gift sa amin dalawa.

Hi sis Maeyo, ako din ngayon lang ako nakakita ng fiber optic na Christmas Tree... tama ka... wala ng buhol buhol na xmas lights around it. saka di na problem na hindi kalat yung ligths dahil super kalat na kalat talaga yung lights hahaha!

alynn November 26, 2006 12:43 AM  

paskong pasko na talga dyan sis no? sarap talga mag pasko sa philippines...=)

Unknown November 26, 2006 7:36 AM  

Naku sis Alynn sinabi mo pa :) September palang pasko na dito sa pinas eh hihihi.