Tuesday, January 02, 2007

Christmas, Birthday and New Year Celebration

First of all, HAPPY NEW YEAR everyone! Sana this year would be good for all of us especially those who just got married. As usual installment nanaman ang mga kwento ko dito sa blog. Don't worry, may visuals naman eh hahaha!

Dec. 22, 2006

Tropang Trumpo's Christmas Party



Jason's barkada yearly Christmas Party was held here at home. It's a potluck party kaya no worries sa ibang lulutuin. Ang contribution namin is grilled hotdogs, crabs, and fettuccini carbonara. Others brought pork barbecue, beer and pancit. Some brought their kids along. Kaya super duper saya ng party. Sa exchange gift, I got a beermug from Wowie and Jason got 4 face towels, I think from Chacha hihihi! Medyo konti sila ngayon unlike last year daw. Madami kasi nag-last minute (hay ang pinoy nga naman) na di makakapunta.

Dec. 24-25, 2006
First Christmas as a married couple


Medyo hindi kami masyado nagtipid sa handa this Christmas. I wanted it as memorable for Jason. Well ginawa nga niya memorable ang Christmas namin kasi he forgot to buy me my fist Christmas card as his wife. Grrrr.... pero he bought one naman a day after ... kaya ok na din hihihi. Kanya-kanyang luto kami. I cooked spaghetti, chicken pastel and buffalo wings. Mom prepared fruit salad, pinakbet and crabs while dad made calderetang kambing. Ahihihi dami no? Saka Dec. 24 is Kuya Stan's birthday. Kaya 24 palang ng tanghali naluto na namin lahat ...hanggang Noche Buena na yun ha. Hahaha! Kuya Onet and Ate Ethel came to celebrate. Kasi 25 wala sila, they're going to Davao daw. Around 10pm me and Jason hear mass. Nilakad lang namin since it's inside the village naman. Ang dami nagsimba, once again, I saw the beautiful people of our Village which I seldom see everyday. Promise! Bihira lumabas ang mga tao dito sa village namin (including me hehehe!) If anybody who's looking for a talent, dito kayo maghanap ... mga artistahin mga teenagers dito as well as the yuppies. Ako lang hindi hehehe!

Dec 25, we went to Mommy Perlie's house to greet her. Mama (Jason's lola) is also there. A couple of minutes, Jamie and Ronnie went to Mommy's house also. We ate lunch there. Pina-renovate nila house nila, so medyo mas lumaki at spacious na house nila unlike before. Saka medyo naging maaliwalas because of the wider windows.

Pagdating namin dito sa bahay, Tito Rene (mom's older brother) and Tita Baby came along with Rina and Roselle (my cousins) and 4 of my pamangkins na super kukulit at super cute. Hihihihi! Dinner time dumating naman si Tita Joy (my mom's sister) along with her balae, Ivy, Lic, and Bing. Mega kain nanaman as usual ... susme grabe gain ng weight ko ngayon as in. Ag taba ko sa photos. As usual si Daddy, parang si Santa, namigay ng aguinaldo sa lahat hehehe!

IT'S NEGATIVE
Dec. 26 marks my 1st week delayed of my period. Jason and I bought 2 EPT kit to check if I'm pregnant or not. 1st weewee in the morning I checked my urine... and it's negative... both waaaah! My nurse cousin told me that maybe my HCG is not that high kaya di pa na-detect ng kit. Try ko daw ulit next week. Pero nung Dec. 31 ng umaga ... I had my period ... I just proved that EPT kits are very accurate hahaha! Sayang ... nadismaya lahat. Everybody seems to be so excited pero wala pa pala huhuhu!

HAPPY BIRTHDAY TO ME



It seems that only a few remembered my birthday. Nakakasama ng loob pero ganun talaga. Kaya I know who my real friends are ... hindi talaga sila nakakalimot. Just like my bestfriends Mary Anne and Vena. They went to visit me along with Relly (hubby ni Me-anne) Guess what this two gave me as a wedding gift ...


FYI: Relly and Me-anne works now in India ... kaya no questions asked kung san nila nabili yan hahaha! Naglipana daw yan sa India. Nabibili sa tiangge ... Ang weirdo nga ng libro na ito ... hahaha! Natatawa kami ni Jason nung tinitignan namin yung illustrations. Hindi pa namin binabasa, tinignan lang namin yung illustrations. Wag daw namin ipakita kina Mommy baka magalit daw sa kanila (Ninang nila si Mommy sa kasal). Ayun mega kwentuhan ng buhay-buhay pati buhay-buhay ng mga barkada namin. Nakakatuwa ... yung iba kasi nag-asawa na rin, at yung iba nag-abroad. Konti nalang kami natitira at nagtitiis sa Pinas. Well... di ko din kasi kaya magtrabaho abroad. Kaya kahit maliit sweldo pinapatos ko dito sa Pinas. Mas ok ako magkakasama kami dito ng pamilya ko. Saka with regards to my health problems (being allegic to everything ata) eh mahirap ako magtrabaho sa abroad ng walang kasama. Baka kasi dun ako mamatay hahaha!

DEC. 31 - Jan. 1, 2007
GREETING THE NEW YEAR WITH A BANG



After hearing Sunday Mass, me, Jason, Kuya Stan, Lloyd and Coolet went to SM Fairview to buy last minute stuffs for the New Year celebration. Jason met up with Gerard to get the fireworks from Dragon Fireworks while us headed to the groceries immediately. As usual everybody did their last minute shopping na halos ubos na ang cart ng SM sa dami ng tang namimili. Buti isang basket lang ang binili namin at nakapila na kami sa express counter.

Mom cooked arrozcaldo while me and Jason prepared hotdogs (again!) and tempura. Mom also prepared hot choco for the cold night. Nag-videoke kami until 12midnight para di kami antukin at ma-bore. Tapos kain ng kain hahahaha! Walang kamatayang kain hihihi! Ayun nag-start na magfireworks ang mga kapitbahay namin. Weeeee ... para kaming nasa Enchanted Kingdom hehehe. Our dog Popoy enjoy seeing fireworks. Kaya kung san may kumikislap na fireworks nandun siya. Super tuwa ang lolo hehehe! Nag-start na din magpaputok sila Jason... ang kuya ko naman mega video ng buong pangyayari. Si mom kasi ayaw nung mga usok kaya asa loob lang siya ng house. Sa video niya lang napanood. I'm such a lousy capturing fireworks. Hirap talaga if you're only focusing on one fireworks display. Dapat talaga yung marami para kahit papaano may makukuha ka na magandang shot Hehehe!

After that everybody seemed very exhausted that we all sleep so peacefully...kahit mga dogs namin super tulog. I asked Jason kung ano pinakamaganda na nangyari sa kanya nung 2006. Sabi niya "nung araw na naging akin ka na" so kilig!

2 comments:

dionne January 02, 2007 8:58 PM  

wow! dami events ah. belated happy birthday sis! happy new year to you guys! tc!

Unknown January 02, 2007 9:05 PM  

Hi sis Dionne thanks sa greeting. super busy nga kami at ngayon lang kami nakakapahinga. Dami kasi parties eh hihihi.

Happy new year din sa iyo :)