Besides having my food cravings, I experienced this what they call morning sickness. Weird nga lang, I only experienced it twice, after that yung cravings na ang sumunod. I can also feel the discharge that's flowing from my toot toot na akala mo period mo, pero when you check it hindi naman pala. Tapos yung puson ko di ko maintindihan na parang namamaga na mabigat. At pag gumagawa ako ng chores sa house, halos sumisigaw na ang likod ko kasi masakit parang ayaw na niya ako magtrabaho.
Katulad kanina napagod ata ako. Nilabahan ko kasi yung beddings ng mga puppies namin dahil wala na sila pampalit tomorrow. Tapos I mopped the floors pa while grilling tamban outside the house. Pagkaupo ko, parang ayoko na tumayo sa pagod. Medyo nagiging OC ako ngayon sa kalinisan, ewan ko kung bakit. Konting bahid lang ng dumi, kuha agad ako ng basahan at pupunasan ko.
Two days na akong delayed ... Jason bought an EPT kit for me to check if I'm pregnant or what. Super linaw yung first line (yah of course, the control line) ... and yung second line super labo na parang guni-guni lang... kaya sabi ko ita-try ko nalang tomorrow ulit yung test.
First thing in the morning, nagtest agad ako and very evident na yung 2nd line pero as usual malabo pa din siya. As in super labo pero malinaw na line siya (gets? gulo ko ata)Eh I told Jason before, whether malabo yan o malinaw, eh positive na yun. Ngumingiti na ang hubby, kaso bigla nag-comment ... "Eh teka, baka ginu-goodtime lang tayo nung EPT kit na yan. Bili ka kaya mamaya ng ibang brand tapos test ka ulit."
And so I did, I bought an EPT kit much cheaper sa binili niya yesterday ... ano lumabas??? Negative!!!?? hala! bigla tuloy ako na-confuse. Pwede ba mangyari yun? Sino ngayon sa dalawang brand ang accurate? waaaaaaaahhhhh! Bigla nanaman tuloy napigilan yung hope ko na preggy ako ... nag-text ako kay Jason, "Labs, nagtest ako ulit, negative lumabas :(" and he texted back, "nyak! di bale hintayin nalang natin maging positive yan" OO nga naman, 2 days palang naman akong delayed. Baka di pa ma-detect ang baby hehehe... Pero magta-try ulit ako ng EPT baka tomorrow or the next day, kasi nabili ko sa Mercury to, medyo pricey siya, eh sabi nung pharmacist super sensitive naman daw yun na EPT kit ... ows??? Sige nga try ko bukas ... and I'll let you know what happens.