Friday, September 07, 2007

YM Chat

Today, I had one of the best conversations in my life. I've been laughing out hard and mega kamustahan to death to some old and new friends. Here's how my screen looks like a while ago.


You haven't seen it all yet. Kanina 8 windows yan na naka-cascade vertically. At wag ka, yung isang window dun eh conference yun. Some of my ka-bloggies from Wordpress eh hinila ako sa sa conference. Ang kukulit hehehe! (Hello to Maru, Kuya Selvo, Azrael, Jovi, Tintin, Foo, Lex, Sam, Def at Sawn at sa hindi nakahabol na si Nika at di nakapasok na si Jojitah. Mamaya ulit ha...pm nyo ako mag-oonline ako.) Napag-usapan tuloy yung paano makabuo ng baby ... etong si Azrael may nalalaman pang kingkong style ... Siya nalang mag-eexplain sa inyo nun... at di ko po alam kung paano i-dedescribe hahaha!

And Dennis naman eh first day niya sa Singapore. Dun na kasi siya magwowork and naiwan dito ang kanyang wifey and son. Medyo nalulungkot siya. Actually, naiiyak nga daw siya. Kaya as a friend kinausap ko nalang para mawala ang lungkot. Kaya ayoko nag-aabroad, madali ako ma-homesick. Baka di ko kayanin hehehe.

And there's Tintin, an ex-officemate from Laoag project. Kinamusta ko kasi nakita ko yung avatar niya yung 4 month old niyang baby girl. Super duper cute. Ayun kamustahan about sa office, mga officemates namin, mga latest chismiz. Miss ko na din tong girl na eto eh.

Then there's Chai, a friend from college na nahagilap ko from friendster na nakausap ko sa phone kanina at sabi may job opening daw sa kanila weeeeeeee! At ako agad naisip niya kung gusto ko daw mag-apply (oo gusto ko!). After ko makausap ang boss niya, nag-online siya sa YM at nagkwentuhan kami. Hehehe! Ang daming chismis, pero amin nalang yun. Hahaha!

Si Jen and Mec nakausap ko din kanina. They're my fellow W@Wies din. Napag-usapan namin ni Mec sexy yung PCOS ko, while Jen is in Canada na pala at pregnant na ... (buti pa siya). Congrats to you Jen, so happy for you. And you too, Mec, next month na lalabas si baby Yakee! weeeee!

Hay life... nakakatuwa ang araw na ito. Sana palaging ganito :)

4 comments:

Marlou September 08, 2007 10:31 PM  

nakaka-miss talaga yang mga long-time-no-see friends na ganyan! Ü

ruther September 10, 2007 1:53 PM  

ayyyY inggit ako..yan ang matagal ko ng din nagagawa..sometimes i wish wala akong work para wala akong iniintinding stress and pressure..maybe 5 years from now, pag may pera na at pag may business, I'm gonan be a stay at home mom..makakpag YM na rin ako tulad mo... :)

Unknown September 10, 2007 7:41 PM  

Ei MArlou, sinabi mo pa, super miss ko na ang mga friends ko lalo na yung mga abroad. Napuitol nga ang sosyal life ko nung umalis na silang lahat. Wala na ako masyado nakakasama sa gimik kasi.

Hi Ruther, alam mo may disadvantage and advantage din ang pagiging Stay At Home Wife ... Petiks-petiks lang, panood nood ng tv, magluluto konti, maglilinis, aasikasuhin si hubby ... pero namimiss ko pa din yung life ko na may trabaho. Kasi I get to buy my own stuff na di na kailangan ng help from hubby. Pero ok naman ako ngayon sa kaso yung pagiging shopaholic ko eh nabawasan kasi nahihiya ako gastusin pera ni hubby hahaha!

Heidi September 11, 2007 10:49 AM  

ako din inggit ako! bukod dun sa nakaka-chat ng matagalan... inggit din ako that you were able to lessen your being a shopaholic! nyahahaha! me kasi kahit alam ko that we have to save din for the future, sometimes i still give in to temptation!