Monday, December 24, 2007
Thursday, December 13, 2007
Baby J at 16 Weeks
This was taken a few days before I hit 16 weeks. Di pa masyado halata no? Inip na nga ako lumobo ang tummy ko pero sabi ng iba pag first baby daw talagang matagal daw lumobo ang tiyan. Usually mga 6 months pa. Tagal pero malapit na yun hehehe.
Napaaga ang prenatal check up ko. Instead na Dec. 15 pa eh napaaga ng Dec. 5 ... bakit? Kasi nung Dec. 3 mega hanap ako ng dress to wear para sa wedding ng friend ko. Naging todo pagod ata ang nangyari sa akin, nung gabi na yun nahirapan na ako makatayo kasi I felt numbness on my back and butt. Kinabukasan, naka-lie down pa din ako sa bed. Nagtext na ako sa OB ko, I told her kung ano yung mga na-experience kong mga symptoms kasama na ang slight cramps sa puson. Pinapunta na niya ako sa clinic niya ng Dec. 5.
Since ako lang ang patient that time, nagkaroon ng maraming time hanapin ni OB si Baby J. Makipaglaro ba naman ng hide and seek at habulan eh. Kasi pag natatapat na sa kanya yung doppler, bigla tong nawawala ... siyempre hahanapin nanaman ni OB kung nasaan siya. Pag narinig na heartbeat niya, bigla nanaman nawawala. Susme! siguro mga 10 minutes bago siya nahanap ulit at napirmi sa isang lugar. Super duper likot kaya niya. Samantalang bago kami pumunta ng clinic, kinausap na siya ni Daddy Jason na wag malikot hehehe.
On medication nanaman ako to get rid of pangangalay ng likod ... Duvidillan or Isoxilan ... mga muscle relaxant yun para maiwasan yung pangangalay. Tinake ko siya until matapos yung day ng birthday ni Daddy. Sa ngayon ok nanaman ako pero kahapon kasi medyo nangalay nanaman ang likod ko kaya ayan slight bed rest nanaman ako. Hay o hay!
A lot of people were trying to guess baby J's gender ... majority hula nila boy daw ... ayoko na tanungin kung bakit kasi baka isagot nila dahil ang pangit ko eh ma-depress lang ako wahahaha! Since malikot daw and di daw ako mapili sa pagkain or wala daw ako pinaglilihian eh baby boy nga daw ang baby ko. Yung iba naman kaya girl ang hula eh dahil blooming daw ako. Hala sige hula pa... eh sa February pa namin malalaman ang gender niya eh.
Simula nung nalaman nila na buntis ako, wala na silang tigil kakahimas sa tummy ko. Ako naman pag may humihimas eh kinakausap ko si baby, "that's tita Rema baby ... that's Lolo baby" mga ganun ... nakakatuwa ... bilbil palang hinihimas nila, what more kung talagang malaki na tummy ko hehehe.
According to babycenter.com, here is how baby J is growing:
At 4 1/2 inches long (head to bottom) and 3 1/2 ounces, your baby is about the size of an avocado. In the next three weeks, she'll go through a tremendous growth spurt, though, doubling her weight and adding inches to her length. Her lower limbs are much more developed now. Her head is more erect than it has been, and her eyes have moved toward the front of her head. Your baby's ears are close to their final position, too. Some of her more advanced body systems are working, including her circulatory system and urinary tract. Her heart is now pumping about 25 quarts of blood each day, circulating her total blood volume through her body many times. (By the end of your pregnancy, this will increase to about 190 quarts.) The patterning of her scalp has begun, though her hair isn't recognizable yet. Although closed, her eyes are moving (slowly), and she's even started growing toenails.
Posted at 1:17 PM 3 comments
Labels: pregnancy
A Wedding Kwento
I'm such a bad blogger ... sorry ha! Anyway, I've been to some special events this past few weeks. Share ko lang sa inyo. Nakakapagod for me pero worth it naman.
Oh before I forget, congrats to Irene and Val ... I know you've been waiting for this the whole time and I'm glad you're already pregnant. Have a safe pregnancy okay!
Last December 8, 2007 ... we attended one of the best weddings ever. Hazel is Ninang Elsie's daughter. Ninang Elsie is my mom's bestfriend. Hindi kami lumaki na close. Pero kinakapatid kasi nila sa kumpil yung kid brother ko. And since ninang din namin si Ninang Elsie nung wedding namin eh naging kinakapatid na din nila ako. Tuwing may family gathering always present sila kaya kilala namin sila. When she started preparing for her wedding eh dun nag-start yung exchange ng email and text namin. Since I was the one who got married first, siyempre nagtatanong siya sa akin ng mga tips etc. etc. Brides talaga are so pretty on their wedding day. Hindi siya mukhang na-harass at na-stress... mega pretty siya on a Pepsi Herrera gown. Same as the groom ... gwapo si Elmer nung araw na yun. They are a perfect match made in heaven.
Church rites were held at Sta. Maria dela Strada, reception followed at the Mango Farm. Oh di ba ang sosyal. Ganun nila super prepared ang araw na ito. Medyo malayo nga lang yung reception venue sa church pero it's all worth it I'm telling you. Maganda sa Mango Farm. Wala kami photos masyado dun since gabi na kasi kaya more on the reception itself ang mga nakunan namin hehehe.
As usual, mom and dad was one of the principal sponsors. Most likaeable ninong and ninang naman talaga sila mom eversince. Lahat ng staff ni dad na kakakasal lang siya ang ninong, so as mom. Yung ibang barkada ko na kinasal sila din kinuha na ninong and ninang. Sa wedding ni Hazel at Elmer, siyempre kinuha din sila. Kumpleto kami nung wedding nila. Si Jason nga lang ang photographer dahil sa ako'y buntis, eh nakaupo lang ako at nanonood the whole time. Jason was such a darling... he made all the photo clicking! So proud of you, labs. You have to practice doing that kasi ikaw kukuha ng photo ni Baby J pag ipinanganak siya hehehe.
Mom wearing a gown from Ysabelle Fashions (Bridal Factory) and Dad wearing a Patis Tesoro Barong
Kuya Stanley and Butchoy
Kuya Stanley and Butchoy
Of course, Jason and me ... ewwww pangit ng shot ko dito... I feel so ugly. Kaya ata nasabi nila na baby boy ang baby ko hehehe.
Mom and Dad with the Bride's Parents, Tita Elsie and Tito Dan
Ghed, sister of the bride and Maid of Honor
Mom and Dad with the Bride's Parents, Tita Elsie and Tito Dan
Ghed, sister of the bride and Maid of Honor
To Hazel and Elmer, Congratulations and Best Wishes. Stay happy and less worries ... God Bless you always mwah!
Posted at 12:03 PM 0 comments
Labels: Events
Subscribe to:
Posts (Atom)