Thursday, December 13, 2007

Baby J at 16 Weeks

This was taken a few days before I hit 16 weeks. Di pa masyado halata no? Inip na nga ako lumobo ang tummy ko pero sabi ng iba pag first baby daw talagang matagal daw lumobo ang tiyan. Usually mga 6 months pa. Tagal pero malapit na yun hehehe.

Napaaga ang prenatal check up ko. Instead na Dec. 15 pa eh napaaga ng Dec. 5 ... bakit? Kasi nung Dec. 3 mega hanap ako ng dress to wear para sa wedding ng friend ko. Naging todo pagod ata ang nangyari sa akin, nung gabi na yun nahirapan na ako makatayo kasi I felt numbness on my back and butt. Kinabukasan, naka-lie down pa din ako sa bed. Nagtext na ako sa OB ko, I told her kung ano yung mga na-experience kong mga symptoms kasama na ang slight cramps sa puson. Pinapunta na niya ako sa clinic niya ng Dec. 5.

Since ako lang ang patient that time, nagkaroon ng maraming time hanapin ni OB si Baby J. Makipaglaro ba naman ng hide and seek at habulan eh. Kasi pag natatapat na sa kanya yung doppler, bigla tong nawawala ... siyempre hahanapin nanaman ni OB kung nasaan siya. Pag narinig na heartbeat niya, bigla nanaman nawawala. Susme! siguro mga 10 minutes bago siya nahanap ulit at napirmi sa isang lugar. Super duper likot kaya niya. Samantalang bago kami pumunta ng clinic, kinausap na siya ni Daddy Jason na wag malikot hehehe.

On medication nanaman ako to get rid of pangangalay ng likod ... Duvidillan or Isoxilan ... mga muscle relaxant yun para maiwasan yung pangangalay. Tinake ko siya until matapos yung day ng birthday ni Daddy. Sa ngayon ok nanaman ako pero kahapon kasi medyo nangalay nanaman ang likod ko kaya ayan slight bed rest nanaman ako. Hay o hay!

A lot of people were trying to guess baby J's gender ... majority hula nila boy daw ... ayoko na tanungin kung bakit kasi baka isagot nila dahil ang pangit ko eh ma-depress lang ako wahahaha! Since malikot daw and di daw ako mapili sa pagkain or wala daw ako pinaglilihian eh baby boy nga daw ang baby ko. Yung iba naman kaya girl ang hula eh dahil blooming daw ako. Hala sige hula pa... eh sa February pa namin malalaman ang gender niya eh.

Simula nung nalaman nila na buntis ako, wala na silang tigil kakahimas sa tummy ko. Ako naman pag may humihimas eh kinakausap ko si baby, "that's tita Rema baby ... that's Lolo baby" mga ganun ... nakakatuwa ... bilbil palang hinihimas nila, what more kung talagang malaki na tummy ko hehehe.

According to babycenter.com, here is how baby J is growing:

At 4 1/2 inches long (head to bottom) and 3 1/2 ounces, your baby is about the size of an avocado. In the next three weeks, she'll go through a tremendous growth spurt, though, doubling her weight and adding inches to her length. Her lower limbs are much more developed now. Her head is more erect than it has been, and her eyes have moved toward the front of her head. Your baby's ears are close to their final position, too. Some of her more advanced body systems are working, including her circulatory system and urinary tract. Her heart is now pumping about 25 quarts of blood each day, circulating her total blood volume through her body many times. (By the end of your pregnancy, this will increase to about 190 quarts.) The patterning of her scalp has begun, though her hair isn't recognizable yet. Although closed, her eyes are moving (slowly), and she's even started growing toenails.
Baby J, 5 months to go ... sana wag ka masyado makulit kasi minsan nahihirapan si Mommy. Pero ok lang, at least I know you're active and strong kaya nararamdaman ka na ni Mommy. Daddy is so excited na. We're planning to buy you books sa floating bookstore para he'll start reading stories na for you. So excited!

3 comments:

cheryll December 17, 2007 1:59 PM  

hi sis! nae-excite din ako sa kwento mo...katuwa ung pag-hide and seek ni baby J :) nangyari din yan sa akin nung 3rd month na prenatal ko, di mahuli sa doppler si baby hehe.

wag mo na isipin ung mga hula, di naman lagi na pag boy pumapangit or pag girl blooming :P

have a happy pregnancy...ako nasa last leg na :) inip na nga ako gusto ko soon na hahaha

advance merry christmas...

Unknown December 17, 2007 6:35 PM  

sis, sa ngayon mas exciting ang status mo kasi anytime lalabas na ang iyong bundle of joy. Ako ngayon hinihintay ko palang yung paglaki ng tiyan ko ng todo. hehehE!

Anonymous December 20, 2007 8:16 PM  

uuuuy malapit na... CONGRATS