Monday, April 14, 2008

Me and My New Look

Ok, nevermind my big face (I'm so big na talaga). I had my haircut yesterday before we went to Emon's birthday party for his three children (tatlo silang April ipinanganak). Treat sa akin ito ng aking loving hubby ... may kasama pang foot spa yan. While I'm having my foot spa, nalaman ko na my legs and feet minamanas na huhuhu. Kaya pala lately parang lalo siyang lumaki. Waaaaaaaahhhh!

Jason had his haircut as well ... yung haircut na tulad kay John Pratts minus the buntot ha. Bagay naman sa kanya pero he's not that comfortable with his new look ... hindi lang siya sanay ... hahaha! I'll take pictures of him pag pumayag na siya... ayaw niya magpakuha ng pics he hahaha!

Super ikli na ng hair ko, madali na i-blower (sabay ganun eh no?) eh kasi I'm sure pag di blinower yan eh bubuhaghag nanaman yan hahaha. Super gaan ng ulo ko as if wala akong buhok hahaha! I so love it kahit makita na katabaan ng mukha ko, I don't care hahaha!

Since nasa birthday party kami, we get the chance to see some of our friends na rin na medyo matagal na din namin di nakikita. Last na kita ata namin was last December pa. Once na may kumakanta sa videoke galaw na ng galaw si Baby J ... hindi ko alam kung gusto niya yung kumakanta o naiirita siya. Mega eat galore kami ha ... at tuwang tuwa ang Baby J ... kasi ang dami kasi food ... parang di na ata kami tumitigil sa kakalamon. And isa pa, Jason let me drink a glass of Coke Zero hehehe ... para daw di ako ma-impatso at dumighay naman daw ako hahaha. Thanks Labs mwah!

Wow, umuulan ngayon ... may bagyo daw eh ... naku sana magtuloy-tuloy ang ulan para naman lumamig ang panahon. Kasi kahit umuulan ang init pa din eh huhuhu.

1 comments:

Marlou April 22, 2008 10:05 PM  

Hi there Anne! Long time no see ah!
Dami ng updates sa'yo upon checking your blog. hehehe.
I'm sure excited na kayo ng hubby mo sa pagdating ni Baby J.
Goodluck!