... until our 1st Anniversary.
For almost eight months of being together, I could say life with Jason is smooth sailing. Until now, NO sac is growing inside me. I'm 1 week and 4 days delayed. But on the first day of my missed period, I got a negative test result. Pag negative, negative na all through out. Pag two weeks wala pa din ako period, I'll take a test again. Malay natin may nabuo na pala. Jason told me naman, just in case wala pa din ngayon, magtatry ulit kami. Pag wala pa din eh magpapa-work-up na kami sa OB. Hmmm... whatever! I mean, gawin mo nalang labs ... mahirap kasi yung sinasabi tapos di nanaman mangyayari.
Nahihirapan talaga ako maghanap ng trabaho. Sabi nga nung mga friends ko, it's true na mahirap maghanap ng trabaho ang babae lalo na pag may asawa na. Hmmm... maybe I'm not just good enough. Or maybe, I'm a housewife material talaga. Talagang laman lang ng tahanan. Eh kung ganun nga, eh bakit wala pa din akong anak? Ikaw ba alam mo kung bakit?
Sabi ni kuya, nagiging expert cook na daw ako. I cooked sinigang na baboy (my comfort food) yesterday and he said masarap daw, gumagaling na daw ako magluto. Yehey! Hard to please si kuya when it comes to food. Kaya pag may approval niya, winner na yun hehehe! Jason eats anything I cook. Kaya pangit man lasa or hindi, he has to like it hahaha!
Yesterday, kinuha namin si Kiray (one of our mini pin puppies) sa new owner niya. Sumuko na yung tita ko sa pag-aalaga. Kasi ebs daw ng ebs kung saan-saan ... nahihirapan na daw siya maglinis. Kaya sinauli na sa amin ... hay! Ano ba yan hahaha! Buti nalang my tito from Laoag, wants to have one puppy too, pag ok na si Wacky, ibibigay na namin siya sa Tito ko. Si Kiray mapupunta sa friend ni kuya. Welcome home Kiray!
I've finished playing Fairy Godmother Tycoon, The Apprentice and Plantasia. I'm trying to finish Belle's Beauty Boutique, kaso mahirap yung last 3 levels. Masakit sa kamay hahaha! Westward was one hell of a strategy game ... susme! Hanggang 4 towns lang ako. Ang hirap nung Paradise Falls eh ... huhuhu!
That's how boring my life is ... but I still love my life. May purpose to, bakit wala ako work, bakit wala pa akong anak ... may reason to lahat. I'm still looking for the answers but I'm patiently waiting, for one day I know all my prayers would be answered.