Memories of Laoag
Today is my last day at work. Mr. Onogi (one of our Japanese boss) will treat the girls out to lunch. Hehehe sabi kasi ni Maam Alma, pet niya kasi ako hehehe ... ever favorite ... Ginagawa ko lang normal ang araw as much as possible. Ayokong umiyak waaaaaaaahhhh! Baka dadaan din ako sa Toyo Office mamaya. Wala lang magpapaalam lang ako sa kanila :)
Here are some things I'll gonna miss pag nasa Manila na ako...
SCENIC SPOTS... to name a few, Fort Ilocandia, Pagudpud, Bangui Bay Wind Farm, Burgos Lighthouse, Patapat Falls, Patapat Bridge, Paoay, Malacañang of the North, Batac, Pasuquin, Laoag ... basta madami hahaha! Food ... empanada espesyal, bagnet, pinakbet, longganisang vigan, chichacorn, KBL (kamatis, bagoong and lasona (fresh onion), at marami pang iba. Kaya wag na kayo magtaka bat tumaba ako hehehe!
Mamimiss ko din ang mga isda na kasabay ko minsan pumasok sa office. Kasi yung mga fish vendor kasi dinadala nila yung harvest nila sa sentro. Yung mga pasahero na hindi nagsasalita, nangangalabit lang para iabot mo sa driver yung bayad nila. Yung atras abante ng mga driver sa mga pasahero para makarami. Yung mga dispatcher na pinipilit magkasya ang mga pwet namin para masabing sampuan ang upuan na ang totoo naman eh waluhan lang naman hehehe. Mamimiss ko yung sunset dito sa Laoag ... grabe ang ganda ... pero di ko nakunan on cam lagi hehehe! Yung mga kabukiran na lagi ko natatanaw sa araw2x na ginawa ng Diyos.
Si Mamang, tito, tita, mga pinsan ko at mga naging kaibigan ko na sa office ... definitely mamimiss ko sila. Ang mga bedroom talk namin ni insan (kasi yung wall na naghihiwalay sa kwarto namin pareho eh may opening sa itaas kaya kahit di kami magkaharap nakakapag-kwentuhan kami ...galing namin no?). hay hirap talaga ng aalis tapos madami maiiwan ... pero ika nga nila, life has to go on. I'm getting married in 3 months so I have to leave Laoag for my full blast preparation on our wedding.
So folks ... I'll see you when I see you all. Maliit at bilog ang mundo kaya magkikita pa tayo lahat! I'll gonna miss you all ... salamat sa mga wishes ninyo for me and Jason. I love you all!
Goodbye Laoag ... Manila, I'm coming home!
3 comments:
hi anne! i suddenly remembered my ilocos trip early this year. ang saya! sayang lang i wasn't able to go to all the scenic spots you mentioned. sarap din ng food talaga dyan. =) maybe next time punta ulit kami. =)
i heard that Pagudpud is lovely...sa december pa namin pinaplan ni hubby na magbakasyon sa north.
i'm sure you'll enjoy your Manila life the way you enjoyed Laoag. goodluck and cheers to a new city life :)
hi dionne and jairam, you'll gonna enjoy Laoag and Pagudpud. and the people are so mice talaga!
Post a Comment