Thursday, August 03, 2006

Back in Manila

Thursday ... July 27, 2006, I survived the crying session in the house. But never in the office. Nakakainis nga sabi ko hindi ako iiyak ... napaiyak pa rin nila ako. My boss treated us for merienda. Ordered some pizza and two different kinds of cake (chocolate and carrot cake ... yummy). He thought kasi friday pa ako aalis, sana daw nag-lunch out nalang yung buong office for my despidida party. Ang sweet nila no? Randy (a friend of mine from Toyo) gave me a book full of formulas in Excel to be used in Autocad. Sa kanya ko nalaman na malaki pala ang connection ng Excel program sa Autocad. may dedication pa nga eh ... it says, "Para kay Lola (ok yun kasi tawagan namin, lolo at lola hehehe), salamat sa mga gabi ng pagpupuyat para sa pagmamahal natin sa mga Ilokano na matigil na ang grabeng pagbaha. Goodluck and God Bless. Randy" Hehehe cute no? And that day, I've learned that Sheng's dad was killed. Sheng is Jacob's girlfriend. Nasa Toyo Office ako when i've heard the news. And when I went home, nasa news nga ... hay o hay ... condolences to you Tukayo.

Friday ... July 28, 2006, it's JP's 4th birthday celebration. 4th birthday na parang debut hehehe. Ano ang mga handa? Lechon from Cebu, crabs, sugpo, pinakbet, barbecue ... basta madami. siyempre di mawawala ang birthday cake. eh di naglupasay yun pag wala hehehe. Hindi lang Recta clan ang nandun, the Farpale Clan is also invited. Kaya imagine nyo na gaano karami bisita. Umuulan pa ng grabe. Buti nalang covered yung garage namin. Coffee is overflowing... lahat kami coffeee addict. After all the guest went home, nagkwentuhan pa kami magpipinsan at magtitito sa labas. 3:00am na kami natulog. Grabe ba? Sanay na kami sa puyatan, sa walang tulugan hahaha.

Saturday ... July 29, 2006, Hinatid na namin sila Tito Junior sa NAIA ... ok crying sessions nanaman. Ganun talaga ang buhay hehehe. After namin sila ihatid, nag-aya si Dad sa Blue Wave to eat dinner. Kasi si Rema parang malungkot. Kasi 4 months siya stay dito sa Manila for her NCLEX review. Kaya siya naman yung malalayo sa pamilya niya. We treated her out. Biglang tumahimik sa house namin. Parang kailan lang eh ang dami tao lagi sa bahay ...

Sunday ... July 30, 2006, I promised Rema that we'll gonna watch "Sukob", kaya Jason me, Lloyd and Rema went to SM Fairview. Umuulan kasi kaya sa malapit na mall nalang kami nagpunta hehehe. Puro sigaw naman ginawa ko eh ... kasi maraming scenes na nakakagulat. Tolerable din naman yung scariness level. Kaso kung ako'y may anak sa labas at di ko alam, parang matatakot ako na mangyari yun sa mga anak ko. Yun kasi yung reason kaya Sukob ... kasi magkapatid si Kris at Claudine. Alam ng dad ni Kris pero wala na kasi siya contact dun kaya malay ba niya na same year (not to mention, one day lang ang pagitan ng kasal nila) ikakasal ang mga anak niya. Sulit na din ang price. Pero si Jason mega react ... bakit daw bata yung ginamit na symbolism for the curse ... saka ayaw niya si kris hahaha. Pero I can see nag-enjoy din naman siya kasi kasama ako...eh puro akap ata ginawa ko sa kanya ... chancing wahahaa!

We went to Papemelroti to look for the invitation sample ... di namin nagustuhan yung actual invites. Nag-worry kami bigla ni Jason kasi ilang months nalang eh wala pa kami invites huhuhu! Kaya I texted some W@wie friends to ask kung sino mga suppliers nila. 90% sa Printed Matter nagpagawa. Hala ... makikigulo pa ba ako sa Printed Matter eh ang dami na nila clients? Kaya hanap nanaman ako ng bagong supplier ... any suggestions?

Monday ... July 31, 2006, we went to the mall to pay my bills. I fully paid one of my credit cards already para maputol ko na ... saka wala na ako pambabayad dun ... unemployed na ako remember? Since wala pang WiFi sa bahay, I told Rema na mag-internet kami. So ayun basa ako ng W@W emails. Then I read about Nikki's OC Boxes na mabibili sa Office Warehouse. I got it for 138.00 buy one take one, and 2 boxes na pala yun. Kaya all in all 4 boxes nabili ko kasi last stock na yun. Dun ko muna kasi ilalagay yung mga gamit ko I got from Laoag. Until now magulo pa din kwarto ko waaaaaahhhh tinatamad pa ako mag-ayos kasi.

Tuesday ... August 1, 2006... It's our Canonical Interview... but before that, pumunta muna kami sa NSO to file our CENOMAR application. August 14 pa pala makukuha ... tagal ha! Madami pala kami ... mga 5 couples ata. Pero mga different wedding dates. Nung turn na namin kay Father, ask niya agad when is our wedding date, nung nalaman niyang October 28 pa, eh sabi ba naman pwede pa daw umatras hahaha. Loko si Father ... tapos kinuwento nga niya na may 2 weddings na kasi na nag-backout this year sa Twin Hearts. Kaya sinisiguro lang naman niya na ready na kami to take the plunge. Di pa pk lahat ng requirements namin. Kaya yun muna aasikasuhin ko this coming week ... and the invites of course.

Wednesday ... August 2, 2006 ... I got a call from Ann (A fellow W@Wie) na maybe I could try her Tita to make our invites. Aww sis ang sweet naman. I told her all the specs and wait ko nalang daw yung email ng Tita niya. Send daw niya yung designs. Pero quote palang yun ha ... Kwentuhan konti and everything tapos kailangan na niya kumain kaya kumain siya. Then naalala ko bigla na si Ms. Gerri Diokno (of Home and Bride Essentials) offered me to have my invites done with her ... kaya I texted her right away (to order our Unity Candle done na din). And I scheduled to meet her on Saturday 2:00p.m. sa Starbucks Gateway. Hay medyo kumakampante na ako ... pag ok si Ms. Gerri I'll tell Ann na wag na magpagod tita niya on our invites kasi meron na. Basta bahala na ...

Today, I'm going to Novaliches to get my Baptismal Certificate.... on Tuesday naman yung Confirmation Certificate ko naman sa Plaridel, Bulacan.... Grabe so much things to do waaaaaaaaaaahhhh... pero bakit di pa rin ako pumapayat?

3 comments:

Mai August 04, 2006 8:35 AM  

grabe!!! uber busy ka ha...lapit na..hehe! oo nga work on your invites na..mga 2 months na lang pala... :) happy preps!

Unknown August 04, 2006 9:54 AM  

oo nga sis, less than 2 months nalang ang wedding huhuhu wala pa din akong invites. wish ko lang na ok si Ms. Gerri para siya na ang gagawa ng invites namin :)

NCLEX Review June 29, 2010 7:40 PM  

NCLEX Review links