Friday, August 04, 2006

Something to talk about...

I've been unemployed for a week already ... hehehe parang proud pa eh no? It's not that I'm not planning to look for a good paying job here in Manila. Kaso full blast kasi ang wedding preps ko. Sabi sa wedding ticker, its only 2 months, 3 weeks and 3 days before our wedding day ... yaiks! At wala pa rin kaming invitation waaaaaaaaaahhh! Saka baka di naman ako payagan mag-leave kung bago lang ako sa papasukan ko di ba? Labs, penge ng project... ok ang Autocad ko ngayon dito sa PC version 2006 na hihihi!

Yesterday, I got my Baptismal Certificate already. Ang bilis ha, mas matagal pa yung byinahe namin ni bunso papuntang church. 10 mins. lang kami naghintay kasi tinype pa yung Certificate. and it cost 50.00 pesos only. Sana lang pag kinuha din namin yung Confirmation Certificate ko sa Plaridel, Bulacan eh ganun din kabilis hehehe.

Last night din I finished printing out our misalette. Nawalan kasi ng ink yung printer namin last Tuesday kaya I wasn't able to print it out para ma-check ng Twin Hearts yung misalette. Pero ayaw ni Father yung own wedding vows sa mass (ay ka-sad naman) kaya wala kami choice ni Jason kundi ibalik sa dati ang format. Pero nilagay namin yung wedding vow namin sa "giving of the rings" portion (hmmm... payag kaya sila?) sabi naman ni Ms. Dodo, papa-check pa rin daw niya kay Father kung pwede.

Since dial-up ang connection ng internet namin dito sa house (Kuya, we need to get a WiFi connection na, or else mamamatay ako sa boredom no!) I check my emails early in the morning (about 8:00 am) and at night (from 6:00pm onwards) kasi para mas mabilis. Nahihirapan ako magbloghop... kasi ayaw mabuksan ng maayos yung ibang blogs eh. Badtrip nga... ten years bago magbukas ng blog. huhuhu! nasanay ako masyado sa DSL sa office. Sa mga blogmates ko...sorry kung di ako masyado nakaka-reply sa post nyo ... badtrip kasi tong dial-up, ang bagal waaaaaaaahhhh.

Madami W@W emails today ... pero alam ko na kung ano reason ... it's either nag-send na si Rhea and Nap ng links sa photos nila or nilabas na nila yung wedding kwento and wedding supplier's rating nila. At hindi ako nagkamali... totoo nga :) hay as usual, maganda ang pagkakwento ni Rhea at ni Nap (pareho sila may story about their wedding hehehe)... feeling mo parang nandoon ka na din sa wedding nila. Nasa DW kami nung araw ng July 8, napag-usapan pa namin nila Pittipat at Kris na wedding nga nila that day. Tapos ang lakas ng ulan ... tsk! Umuulan din naman ng luha sa OMI house eh hahaha! You know how DW works di ba? To Rhea and Nap, I've been a lurker of your blog for sometime now and I want you to know that I'm so happy for both of you. Promise! Congratulations and Best Wishes.

Nagpost ako ng inquiry about a Volkswagen Beetle for rent... as usual di nanaman napansin ang post ko hahaha! Siguro wala talagang nagpaparent ng Beetle nila for weddings. Sayang bagay pa naman sa amin ni Jason yun hehehe. Meron ba kayo alam baka sakali kontakin namin... sana kaya ng budget namin. Pero kung mas mahal sa Chedeng... wag nalang hahaha!
Yun lang... hirap talaga ng walang trabaho ... na-stress na ako ha...pero di pa din ako pumapayat ...tsk! waaaaaaaaaaahhhh!

3 comments:

Jumbo Biker August 07, 2006 1:45 AM  

Haha, kami pala ang dahilan at dumami ang W@W mails! :-)

Thanks for reading or kwentos, and thanks for the greetings! :-)

Nako, iyakan sessions galore talaga yang DW na yan! Pero pagkatapos mo umiyak parang ang sarap sarap ng feeling. :-)

Have fun with your remaining preps!

Nap (and rhea!)

BTW, ang ganda ng mga posts mo sa blog a, ramdam na ramdam ko ang pagkasenti mo sa pag-alis mo sa ilocos. :-)

Unknown August 07, 2006 9:00 AM  

Uy Nap, thanks for dropping by our wedblog :) great wedding you got there. I'm looking at Threelogy's AVP of your wedding... alangya dial up kasi ang bagal mag-buffer hahaha. ten years pa siguro to hehehe.

Unknown August 07, 2006 9:13 AM  

ay mali ... di pala AVP nyo, kay Kris and Den pala yun sorry... hahaha! wala pa pala yung AVP nyo sa Threelogy.