Tuesday, August 08, 2006

A Birthday, Wedding Kikays and Invitations...

Aug. 5, Saturday ... Birthday ni Bunso. Since si Dad may OT, si Mom may MBA classes, si Kuya may work ng Saturday at si Bunso may classes din ng Saturday eh we decided na Sunday nalang namin i-celebrate yung birthday celebration niya. Siyempre may lakad din ako. Nagpunta mua ako sa dentist ko para magpa-adjust ng braces ko. After that I met up with Jason sa Gateway mall kasi imi-meet namin si Ms. Gerri Diokno of Home and Bride Essentials. Pero bago kami nag-meet nagpasweldo muna si Jason sa E. Rodriguez sa mga tauhan niya. May renovation project kasi siya dun.

3:15p.m. super late na kami sa appointment namin kay Ms. Gerri. Buti nalang super patient siya. At di naman kami nagkamali to get her. She'll be making my Unity Candle Set (kasama na yung ceremonial candles and offertory candles and matches) saka yung ring, arrhae and coin holder. She'll gonna make a more smaller pillow for my wedding symbols. Hindi daw kasi maganda na itatago ng mga abay ko yung mga yun. kaya para hindi dyahe sa mga binata kong abay, gagawan niya ng pillow pero hindi na ma-ruffles. She also have samples din for the invites. But I told her I have a scheduled meeting with another supplier ng Monday. Kaya I wanted her to concentrate muna sa ibang orders namin sa kanya.

12 midnight may tumawag sa phone ko ... unknown number ... yun pala si Me-Anne ... bestfriend ko. Long distance call yun from India. Nabalitaan daw niya kasi na nagtatampo ako dahil di niya ako kinakausap. Napaginipan niya daw kasi ako. actually di ko naintindihan yung kwento kasi choppy pero what the heck! I miss this girl so much na. Hindi sila makakapunta sa wedding ko pero pupunta daw sila sa birthday ko hehehe. Sabi din niya pagdating nalang nila ibibigay yung regalo niya. Nasa India siya, so may slight idea na daw ako kung ano ang ireregalo niya ... kama sutra hahaha! Basta wag ko daw siya unahan magka-baby dapat sila daw muna hehehe.

Aug. 6, Sunday … Monthsary naming ni Jason. 6 years and 1 month to be exact hehehe. Sa bahay siya natulog Saturday night para matipid sa gas. We went to mass sa Good Shepherd para maipasa na yung Wedding Banns namin. Pero hindi pala yun yung Parish Church namin. So bumalik kami sa village chapel namin to hear mass. Kasi 8:30 nag-start yung mass sa Good Shepherd. Tapos after the mass binalikan namin sila Kuya Stan, Bunso at Ate Fely (our kasambahay) sa bahay. Tapos sabi namin kay Dad na daan kami sandali sa Parish of Our Father para ipasa yung wedding banns. August 30 ko daw siya babalikan. 50 pesos ang bayad pero sa pagkuha nalang daw.

Sa Espana naman sinundo naming si cousin Rema. Siyempre dapat kasama siya kasi wala family niya ditto sa Manila kaya sinasama namin siya lagi sa mga lakad namin. Para kaming mga bata nung nasa area na kami ng Mall of Asia. Nung nakita namin yung globe sa harap ng mall … as in lahat kami “Wow, Mall of Asia!” hahaha! Pagka-park namin eh pagkain kaagad ang hinanap namin. Tanghalian na kasi eh. Kaya gutom na lahat. Eh may guy na nagdidistribute ng liftlets. Healthy Shabu-Shabu… we got the group combo for 8. 4K plus yung worth. Mura na, healthy pa, at masarap. Grabe nga eh, DIY cooking hahaha! Super busog kami sobra.

As usual ikot-ikot. Grabe ok sana sa viewdeck kaso ang init ng simoy ng hangin. Naalala namin ni Rema ang Laoag. Ganun kasi sa Laoag eh, kahit mahangin mainit kasi mainit ang sea breeze. Open mall ang mall of Asia. Yung ibang shops hindi airconditioned. Kaya si Mom hindi nakayanan yung init. We haven’t tried watching movies sa Imax Theater nila, Sabi k okay Jason saka nalang pag Harry Potter 5 na yung palabas. Hindi pa namin napapanood yung Superman. Gusto pa naman niya yun. Wala na ata sa ibang malls eh. Hintayin nalang namin yung DVD niya hehehe. Then we went to SM Appliance Center. Kasi si Bunso is always making kulit to Dad that he wanted a DVD player sa room nila ni Kuya. At ayun… binilhan nga. Tuwang-tuwa ang moks hehehe.

Masyado malaki ang Mall of Asia. Kung may suggestion box sila, I would recommend na magkaroon sila ng map. Hindi naman kasi pwede na everytime na may gusto kami hanapin na shop eh pupunta kami sa entrance to look at the directory para hanapin kung saan yung shop na gusto naming puntahan. It would be a big help talaga kasi maliligaw ang mga tao. Chaotic pa naman yung mga mga point of entries nila. Unlike sa ibang SM malls alam mo ng North, South East and West lang ang exits. Dito madami liko-liko. Parang yung Robinsons Place Ermita.

After we purchased the DVD player, we ate our meryenda in Iceberg, Blue Wave. Susme… I know I’m on a diet pero I can’t resist the ice cream kasi masarap ice cream ng Iceberg. Oh well … sana kasya pa gown ko sa Aug. 12 hahaha.

Aug. 7, Monday … good thing Kuya didn’t go to work kaya nagpasama ako sa kanya to go to my invites supplier. Sinundo muna namin yung MOH (cousin ko) at si Tita (mom niya) sa house nila Kuya Tony. Kaya kasama ko sila nagpunta ng UP Village. Ms. Trina is so pretty, she’s an Alice Dixzon look-alike. She gave me three portfolio of her sample works. And they’re all pretty. Pero siyempre pipiliin ko yung pasok sa budget na maganda. I saw this turquoise invite tied together with a chocolate brown organza ribbon. Nung nakita ko siya, yun din yung nakita ni Ms. Trina na pipiliin ko kasi she knows that it’s my motif. Papalitan lang ng yellow organza ribbon and a yellow envelope din. Mock-up will be ready in 3 days. Actually Aug. 9 ok na siya, pwede ko na makita pero sabi ko after nalang ng prenup namin sa Thursday titignan yung mock up ng invites. And she said yes naman. I paid the downpayment na rin. I know Jason would love it as in. Wala kasi siya yesterday. Kaya parang surprise yun for him pag nakita niya. It’s simple but pretty. I’m sure my guest would love it promise!

Dial-up pa rin gamit kong connection ditto sa house …. Huhuhu! And still I’m trying to lose weight … grabe ang hirap magpapayat waaaaaaaaaaaahhhh!

4 comments:

alynn August 08, 2006 11:42 PM  

hi sis! la ka pa ba invites?try beth ong of printlane...got her thru maricel...rami sya samples na pinakita sa akin and i only paid 55 for each invites]...galing no? with regards dun sa post sa w@w - siguro sis lakihan mo na mga lettes mo like other member there...hehehe...parang "HELLOOOO I NEED HELP"! hahaha..

Unknown August 09, 2006 8:54 AM  

Sis Alynn natawa naman ako dun sa comment mo ... mukha nga kailangan ko siguro i-bold letters lahat ng entries ko sa e-groups para mabasa nila mwahahaha!

May invite supplier na kami. Vprojekt Designs and Concept by: Trina Valenzuela. I got 65 per invite pero ok naman siya. wala kasi ako theme pero yung paper na ginamit is our color motif. Makikita na namin yung mock up tomorrow after the prenup :)

wala pa rin kaming bridal car. Any suggestions? :D

Anonymous August 09, 2006 10:16 AM  

hello...buti ka pa nakapunta na sa MOA samantalang ako na nag drawing nun eh nde pa napupunthan yung place...heheheh...shado kasing busy sa work.

Anyway....excited ako sa prenups nyo...post mo yung pics agad ha.... :D

Unknown August 09, 2006 7:16 PM  

sure thing Jeany ... try ko magpost ... dial up pa aksi connection dito sa bahay kaya medyo malabo magpost pero don't worry ... kakayanin ng powers ko yun :D

kailangan nyo ba ng CAD Operator? Wala ako work ngayon? Pwede ako hehehe!