Updates of An Excited (sobra!) Bride
Done with:
- Church: Twin Hearts – fully paid – All requirements passed ... waiting for misalette approval.
- Reception: Windmills and Rainforest – 50% DP – maximize number of guest to 300... bakit? Well, just happened that Dad finally decided he wanted to invite his friends sa office. He feels guilty daw kasi, everytime yung mga anak ng mga officemates niya kinasal, eh iniinvite daw siya (Dad, siyempre boss ka, saka di sila maka-leave w/o your approval.) Hehehe joke alng po yun ha ... no offence meant. Confirmed that the chocolate fountain is free w/in our package. Ms. Nora told me that I don't have to worry coz hindi daw mauubos ang chocolate fountain. Refill ng refill... ay grabe! Baka wala ng uwian yun hahaha!
- I Do Bridal Gowns - Bride's gown and Female Entourage gowns - 75% paid - last Fitting on Oct 7. Pumayat ako at napansin nila yun dahil ang luwag daw sa may bewang hehehe. Pero nagpagawa pa din ako ng corset dahil yung puson area malaki pa din hahaha. Hindi na ata liliit yun hehehe.
- Tesoro - Immediate Male Family member and Groom's Barong - Fully paid, picked up after a week. Since Dad has been a client for too long, lahat ng barong na pinagawa ni dad including Jasons; Kuya and Bunso ... nakakuha kami ng discounted price. And those people really saw us grow. Kasi minsan sinasama kami ni Dad dun pag nagpapatahi kami ng Barong niya.
- Photo: Paul Vincent Photography – paid 50% - paid also printing and binding of guestbook. Hindi kasi kasama sa package niya yun. So instead mamroblema pa kami san magpapa-bind o magpapa-print eh si Paul na ang bahala dun hehehe.
- Video: Dan Pamintuan - paid 50% - sa wedding day na kami magkikita ni Dan kaya no updates for him.
- Cake: Sugarbox – 50% DP - I texted her last week if she can add gift tags for the mini cakes. because those are also one of my gifts for my entourage. Ayaw namin sila mawalan ng cake so better may pangalan na yung per box of it. Para mahiya naman sila kumuha ng cake hahaha! Sabi nya ok daw na gawin niya yun for me pero siyempre, ako daw magpoprovide nung tags, siya lang daw magkakabit. I think I can do that. :)
- Flora@eleven01 - Flowers for entourage - paid reservation fee - hay di pa ako makapag-sched ng appointment with Mr. Rex kasi naman inaayos ko na muna lahat bago yung mga small details. Para di ako mangarag.
- Suarez Wedding Rings - fully paid na - hehehe i love our rings. Pero Jason and I are planning to have a pair of silver ring para sa pang-araw araw na gamitan para daw hindi maluma yung rings namin. Hmmm ... may Titanium rings ba dito?
- Invitations: Vprojekt Design and Concepts – fully paid, distribution still on going. Ang DIY sa invites namin is yung RSVP Map at yung parang tassle na nakalagay sa mga two-page invites. For plain guest kasi, one page lang nilagay namin. Yung Labels din kami ang gumawa ni Jason. Actually, idea niya yun. Very simple but elegant. Some of our guest love it.
- Souvenirs – Unique Novelty Toys Corp. – fully paid – picked up the items, for wrapping nalang. Nakagawa na ako ng photo inserts sa frame. Kaso ang problema paano siya babalutin? Kasi medyo malaki yung photo frame. Magastos sa tulle ... hinihintay ko nga yung pinsan ko na tulungan ako. Medyo busy pa ata. So set aside muna siya.
- Wedding Paraphernalia: Home and Bride Essentials – fully paid ... ganda ng outcome. I Love Ms. Gerri's work.
- HMUA: EJ Litiatco – paid 50% DP – gonna have my beauty regimen 3 weeks before the wedding... special offer for brides.
- Band: Velvet Mood by Gary Silang Cruz – paid DP, finalize nalang songlist for them. Hehehe ang hirap kasi mag-isip ng list of songs lalo na kung gusto mo lahat yung nasa repertoire nila hahah.
- Bridal Car: AdeB - booked the Benz E320 model, downpayment to be paid on Tuesday. Ok kausap si Ms. Lester. Kaya I booked them agad. And the cost of their rentals is so affordable. Malapit pa sa bahay nila Jason yung office nila so si Jason na yung pupunta sa office nila to make the downpayment.
- DIY Pens conceptualized by Jason. Hindi kasi ganyan ang original plan ko. Pero mas easy and cute ang naisip niya. I bought the pens for only 8.50 for 3 pieces. Imagine 8.50 ang price ng tatlo... retractable pa yan ha. Another cheap find. Akala ko talaga super magagastusan ako sa pens na gagamitin sa guestbook. Pero hindi pala hehehe.
- Hotel Preps - Hotel Rembrandt - booked 2 Family Suite and 1 Executive suite. Pero baka madagdagan pa ng rooms dahil yung mga tita ko from the states na pupunta sa wedding namin iha-house na din namin sa hotel.
- Misalette – draft is done already for approval.
- Guestlist (ok na pero nadadagdagan pa)
- Party poppers
- Songlist for the quartet.
- Wedding Reception Program (papa-check pa kay Jason kasi baka may i-rerevise pa siya)
- Mini wines for the wine holders (Principal Sponsors)
- Honeymoon Getaway (wala na sa budget hahaha)
- Souvenir wrapping
- Hotel Preps wardrobe hehehe!
- Accessories (hay ano ba ...dami pa pala)
To-Do's:
So I guess wala na ako nakalimutan. Yan na muna hehehe! OK back to ... to ... hmmm... ano nga ba gagawin ko na?