Back to blogging...
I was a terrible blogger this past few weeks. Sorry about that :) But I never forget to bloghop hihihi! Eto lang naman updates sa mga buhay-buhay namin. I'm still working on our supplier ratings. Bad ako, nauna pa mag-supplier ratings mga November at December brides sa akin hahaha!
GAWAD KALINGA
Last Dec. 16, I went with Jason for UAP Capitol Chapter's yearly Gawad Kalinga Outreach Program. Yup they are all architects. At sabit lang ako dito hihihi ... Ninong Fordie is the President of this years Capitol Chapter. Nung nandun na kami, super daming bata ranges from 3 to 8 I guess. And they have special numbers for their guest. And since sabit na ako, ako na naging photographer. Yung kasi isa nilang member na photo freak eh absent ... hindi nakapunta. Buti nalang nandun ako. Marami sila donations for the people there. After we distributed their treats, we went to the houses that needs repainting. Since wala pa sila new house na nagawa para pinturahan namin eh, yung mga houses nalang na nandun ang ni-repaint namin. :) Everybody I guess enjoyed what they're doing. Saka nakakataba naman talaga sa puso ang makatulong sa mga nangangailangan.
SHOP FOR GIFTS
Ok, we are bad gift giver this Christmas. I'm unemployed and have a few money left. While Jason is a freelance architect that all projects he's handling now are all in pending status because of the holiday season. Pero what I like about Jason is that, yung thought niya sa mga inaanak niya di pa rin nawawala. Kaya nag-shop kami sa mga inaanak niya. Sorry sa mga inaanak ko ngayon. pass muna si Ninang ha, next year nalang ulit. Babawi ako promise. While buying some kid stuff, napadaan kami sa infant section. We saw this 3-in-1 playpen ... mura lang 17K hahaha! Susme 17K? eh yung bed nga namin ni Jason only cost 15k ... nagmamahal na talaga ang mga bilihin. Pero siyempre, di lang naman yung ist baby mo makakagamit nun...even yung mga susunod na babies mo magagamit yun. Pwede siyang cradle, pwede siyang play pen, at pwede din siya kids bed ... oh di ba?
The Rustan's GC's are now in use dahil pwede na daw sa Rustan's supermarket near our place. Mind you, ang mahal talaga sa supermarket nila ... yung nagrocery lang namin is for noche buena and for Jason's barkada Christmas party tomorrow eh umabot na ng 4k. Wala pa meat products dun ha. Eh ano naman magagawa namin. Mas magagamit naman kasi namin yung GC's for groceries than buy ourselves stuffs na super mahal din tapos mga 2 items lang mabibili namin. At least eto food it, kailangan ng tao ang pagkain. Thank you lord hihihi.
When we got home binalot na namin ang mga gifts nila. Nilagyan na din namin ng tags. Wala kami gift sa families namin ... wahahaha! We're so bad talaga. Kiss nalang pwede? Pero we already bought Christmas card. Sa napag-usapan namin, cake nalang ibibigay namin sa Mom niya. May hobbit kasi ang mom niya, na pag nakatanggap ng gift, talagang itatago at hindi gagamitin. Kumbaga for display purposes only. At least daw yung cake mapipilitan siyang kainin yun. We also bought gifts para sa exchange gifts tomorrow sa Christmas party ng barkada ni Jason ... we bought stuffs a unizex and usable for only 200 pesos. Hehehe exciting. Pag mga ganyan lang ang budget umiikot yung imagination mo sa pagpili ng gifts eh.
4 DAYS BEFORE XMAS
Our house is already filled with gifts from Dad's constant gift givers. Di namin alam kung kani-kanino galing. But some have names like Rep. blah blah ... Cong. chu chu ... and so on. Wines, rice, noche buena baskets, tela for barongs, brownies, cakes, crabs, lapu-lapu, sugpo, hay dami ... and so on ... grabe. Nagrereklamo na nga yung angel ng tahanan namin na di na daw kasya sa freezer yung mga isda hahaha!
Since first Christmas namin ito as husbands and wife, gusto namin na medyo extra special ang pasko na ito. Kaya bongga na ang noche buena namin hehehe! I'm sure may picture taking pa to hahaha! Our menu for Noche Buena is my special spaghetti (hindi ko alam bat gustong-gusto nila spaghetti ko), Buffalo Wings (recipe I got from www. allrecipes.com), Chicken Pastel and some inihaw na isda and other seafood. Sa Dec. 24 din kasi birthday ng Kuya ko kaya extended ang handa niya till 12 midnight hehehe.
NEW MEMBER OF THE FAMILY
Meet Duday and Gorky, the new member of our family, Mini Pinchers. They just came 2 weeks ago. Full breed sila pareho, sad nga lang di sila masyado naalagaan ng may-ari sa sobrang dami nilang dogs. So inampon na namin. Nung una akala namin di papayag si Dad. Pero nung nakita niya and they're so malambing. Ayun pumayag na din. At isa pa, pair yun, male and female. Eh pag nagkaroon ng puppies yun, medyo malaking money din yun di ba? Saka nakakainis nga lang, wala sila papers. Bababa tuloy yung price ng puppies nila. Naku, they're all seloso at selosa, including Popoy, Iwa and Kimchee. pag di mo nahawakan sila nagtatampo. Imagine ang hirap nila amuhin hahaha! Pero ngayon hindi na masyado. Super kulit and playful nila. Nakakaalis ng pagod.
OUR DREAM HOUSE
Perspective done by: Arch Arnold Ferrera
Designed by: Arch. Jason Jamias
Designed by: Arch. Jason Jamias
Finally, the much awaited perspective of our house. Ang hirap kasi explain kina dad yung itsura ng house namin. We don't want the traditional house kasi. We wanted our house to look different from the other houses here sa village. Kaya ayan ang resulta. Can't wait na ma-construct na to as early as January. So what do you think of our house? Ganda ba? Galing ng asawa ko, so proud of him. He's asking for my suggestions din, so pareho na din kami nag-design niyan ... more on him nga lang. Hay o hay .... ipagawa na yan now na hahaha!
0 comments:
Post a Comment