Friday, August 31, 2007

Hay badtrip!

Today I was scheduled to have my TVU with follicular monitoring. This isn't the first time I had my follicular monitoring. My first was last month. My OB told me to have it in FEU Hospital. And since it's only a 10 minute drive away from home, I agreed.

At first, akala namin konti lang ang patients. When I went up to the receptionist, she told me I'm patient no. 10 na daw and kakaumpisa palang ng procedure kay Patient no. 1. We paid for the procedure and waited for my turn. We were there at around 4:00pm.

At 5:00 p.m., Jason became a little bit cranky (mainipin kasi) already, asking bakit ang tagal daw. So I went inside to talk to some interns. They told me they're already with Patient no. 5. Lima nalang pala, so hinintay na namin. Nung malapit na mag-6pm, naiinis na si Jason, kasi 2 hours na kami naghihintay at di pa din kami tinatawag. Yung mga katabi namin eh sila pa din katabi namin. Meaning wala pa natatawag ni isa sa amin. Pumasok ulit ako ... si Patient no. 7 hindi pa pala tapos, at si Patient no. 6 pa din ang inu-ultrasound. I asked again, pang-ilan pa ako? Sabi nung intern ... pang-apat pa daw ako pero may sisingit from ER na ultrasound din. Huwat??? Actually hindi lang isa ang insiningit ... dalawa pa. SOP kasi nila na priority yung mga in-patients. So sabi ni Jason i-refund ko na ang pera namin at umalis na.

So I did, and texted my OB na hindi na ako magpapa-ultrasound ever sa FEU. Super tagal ng services nila grabe! Naloloka ako. The first time I went there naman, na-late yung OB Sonologist ng 2 hours. So late na siya nag-procedure ... eh pang-number 14 ako nun. Buti nalang some of them already backed-out. Kaya naging pang-lima na ako. But this time, hindi ko na ma-take talaga. Hindi na ako magpapa-ultrasound dun sobra! Stress na nga ako dahil nahihirapan kami magka-anak... lalo pa ako na-stress sa kanila! Sish!

0 comments: