Monday, March 03, 2008

Something ... Something ...

We would've been in the mall for one whole day if not for Jason's "call of nature" thing. But it's enough for us to buy some things for baby J and to relax and have time for ourselves alone. Usually kasi, lagi namin kasama yung family ko which have been a family activity na every Sunday or kahit hindi every Sunday, eh lumalabas kami at nagmo-mall.

We started looking for a good playpen and stroller for Baby J. Ang reason kaya di pa kami makabili is hindi pa ayos ang room namin to fit in the playpen. Plus, if we'll gonna buy it now, san naman namin itatambak yun? It will just accumulate a lot of dust that would be harmful for Baby J (kahit pa naka-plastic yun). Kaya it's better if it will stay at the mall for a while. Since alam naman na namin yung bibilhin namin, madali nalang yun.

Something Winnie the Pooh

Comforter and Pillow Set Case
... nakakatawa to kasi we bought the first comforter, pillows and bolster set na mas expensive than this one. When we bought the item, bigla bumulaga sa akin tong set na to at bigla akong na-hypnotize at papunta sa kanya. Sinundan naman ako ni Jason, tinanong niya kung bakit ... sabi ko "Labs, matagal na ako naghahanap ng something Winnie The Pooh tapos nakita ko to" ... ang ending ... bumili kami ng pillowcase set at comforter para di na ako ma-depress hahaha! Hindi naman siya masasayang kasi siyempre kailangan din naman palitan ang beddings ni baby J no! hahaha!

A Winnie the Pooh dress, bottie, mittens and cap
... trip lang kasi gusto ko may something Winnie the Pooh outfit siya hehehe. Yung iba kasi hindi pa pwede sa kanya. Jason and I talked about not buying a lot of clothes until she's 3 or 4 months. Kasi transition stage ng bata yung mga months na yun, we'll never know kung gaano siya kabilis lumaki di ba? So bumili lang ako ng something Winnie the Pooh na pwede pa niya magamit kahit mag-6 months siya hehehe. And I'm sure her lola would buy her a lot of dresses when she's old enough to use it.

A nursing pillow
... that I explained to Jason kung ano ang use niya, and bought it right away. Madali kausap ang hubby ko when it comes to Baby J.

Something Pink!

Comforter and pillow case set in pink with butterfly designs
Makita namin na it's on sale kaya binili na namin. I love it so girly promise! Ito yung first namin na na-purchase. Kasi nga it's so girly. Tapos nakita namin yung Winnie the Pooh hahaha. Pero ok lang naman din, konti lang difference.

Something Useful!

R' Jellybean Baby Sling
Since nasa SM North na kami, eh bumili na kami nito. Though yung color and design na gusto ko wala sa items nila, eh binili ko na to ... sa apat na designs na nandun eh eto yung nagustuhan ko. Only to find out when I bloghopped ... it's the same baby sling Mec uses for Yakee hihihi. Sorry sis, I hope you don't mind. I started practicing on how to use it ... medyo nahihirapan ako sa locking system at pano ilo-loose yung sling ... siguro nga mahirap kasi pagpraktisan pag walang laman yung sling. Di ko naman pwede gamitin sa mga toy dogs namin. Naghahanap ako ng old stuff toy that could fit it like a baby. Sana mahagilap ko yung mga stuff toy na bigay kay bunso ng GF niya hehehe.

Something Additional

Baby J already have 4 frogsuits and 2 pants (courtesy of my three beautiful Tita's in the US), so I just bought her two additional pants. And I added 2 nappy clips for the lampin coz I only bought 2 last time in yellow and green. Gusto ko all colors kaya binili ko hehehe. Inisip ko nga bumili ng Chino Pino Diapers ... eh kaso baka di naman siya lagi mag-lampin so sinet-aside ko na muna. OK na yung two dozens of lampin that mom bought for her. Bumawi nalang ako sa nappy clips hehehe.

Sabi ni Jason magdidate pa ulit kami next week... actually magiging every Sunday activity na namin dalawa yun. Kasi para daw ma-exercise ako at di manasin sa kakatambay sa bahay. Hahaha sweet talaga ng asawa ko. Pero when I told him na we need to buy this and that and those, parang nagbago isip hahaha!

Now, time to check the list again:
Shirts,Pajama/Night Time Wear, Going Home Outfit, Newborn Diaper, Baby Wipes, Baby Toiletries, Baby Book, Breastpump, Robe, Nursing Bra, Mittens, Bottles, Bottle Nipples etc., Stroller, Booties and Cap, Towel/Blanket, Cloth diapers and Diaper clips, Diaper Cream, Baby J's first aid kit, Baby J's Grooming Kit, Baby Classical CD's, Bathtubs, Toys, Crib/Playpen, Beddings, Pillows, Sterilizer, Bibs, Pacifier, Books, Diaper Bag, Baby Sling

Good news! I passed my glucose test! I texted OB the result, and she said that my OGCT is normal ... weeeeeeee! And wala na din ako UTI ... salamat Sa Diyos... I'm still waiting for my Hepa Test dahil di namin nakuha pa yesterday. Sana negative ako sa hepa ... I'll make kwento after my prenatal check up on Wednesday.

2 comments:

Qoutes March 03, 2008 5:48 PM  

nice baby stuffs. check my site po i have a contest :0

cheche March 07, 2008 10:34 PM  

wow! cute naman ng comforter set nya! obvious na mahilig ka ke winnie the pooh ha! take care.