Wednesday, October 22, 2008

Dear God #2

Dear God,

Wag Nyo naman po ako pakabahin. Alam ko po hindi na ako bata at dapat minamadali na namin ang pagkakaroon ng marami pang supling, pero tama na muna po kami sa isa. Give chance to others, dun po sa wala pang anak. Pag 3 years old nalang po si Janna saka namin siya susundan. Hindi ko pa po nakakalimutan ang trauma ko sa panganganak. Hayaan Nyo po muna makalimutan ko yun ng paunti-unti bago nyo po ulit iparamdam sa akin iyon.

In other words, ayoko pa po mabuntis ulit.

Salamat po sa mga biyayang binibigay Ninyo po sa amin sa araw-araw

Nagmamahal,
Ann

2 comments:

Tinggay October 22, 2008 1:15 PM  

katuwa naman tong post na to....ako din mga 2 or 3 years bago namin sundan si Dwayne. Did your OB discuss contraception methods with you? Kami kasi yung last checkup namin yun yung diniscuss kasi nga she wants us to limit our kids because of the history of cancer and diabetes sa family ko, and also for us to complete our family before i turn 35 since prone ako to complications. Ang dami niyang options na tinuro :)

Unknown October 22, 2008 1:36 PM  

Hi Nikki, oo after I gave birth to Janna, nag-discuss naman si OB about contraception (Trust Family Program Advocate yun eh) ... kaso natatakot kasi ako sa mga side effect. Ang pwede daw sa akin is yung IUD. Eh si hubby parang ayaw niya. Kaso nawiwindang naman ako pag na-delay ang period ko. hay o hay!

saka tuwing natataon na meron ako eh walang clinic si OB ... eh pag kinabit daw yun dapat may period para bukas na bukas daw ang cervix.