Tuesday, November 04, 2008

Message to Online Merchants

Bato-bato sa langit... ang tamaan ay sapul!

Paalala lang po sa mga online merchants ...

Everytime you receive a payment, please make it a point to notify the sender that you already received his/her payment. Hindi yung pakakabahin nyo ng husto yung tao at pinaghihintay ninyo. Always make your clients happy para dumami pa ang clients nyo.

I've been an online shopper eversince I got pregnant. Sa lahat ng online seller, kayo ang lagi nagpapakaba sa akin. Kung di lang sa request ng nanay ko na bilhan ulit si Janna ng item ninyo eh hindi na ako bibili pa. Akala ko naman magbabago na kayo ... pero hindi... ganun pa rin. Hindi kayo magte-text kung hindi ko i-ko-confirm ... mas worst kayo ngayon ... as in di kayo nag-rereply.

I'm warning you, nakaka-two points na kayo ha. Madali ko lang kayo pabagsakin ... I can even write sa magazine where you were featured ... malilintikan talaga kayo. Ayusin nyo systema nyo magpa-partners ha ... ang lakas ng loob nyo porke kayo lang may ganyan online.

I know na nagtatrabaho kayo, kami din naman ... we are working so hard for the money na binabayad sa inyo. The list you can do is assure your clients na our money is in good hands and will receive our item on time. Ganun lang!

I've been endorsing your product pa naman ... halos lahat ng patients ng Pedia ng baby ko pag nakita yung item ninyo eh tinatanong agad kung san ako bumili. And binibigay ko naman ang site ninyo ...

Bato-bato sa langit ang tamaan ay sapul ... please lang mag-reply na kayo sa akin at kinakabahan na ako kung saan na napunta ang pera ko.

2 comments:

ruther November 05, 2008 10:56 PM  

loka yang seller na yan ahh... at alam kong hindi ako yan kasi hindi ka naman nabili sa akin at nagre-reply din ako sa customers ko.. LOL

Ann November 06, 2008 1:13 AM  

hindi talaga ikaw yan kasi wala pa ako binibili sa iyo... nagtitingin nga ako ng pangregalo kay hubby sa birthday niya hahaha.