Thursday, December 11, 2008

Janna's Traumatic Hospital Experience

Night of Saturday, Nov. 29, Janna has early signs of cough and colds. I gave her NSS, nebulize every 6 hours para hindi na magtuloy-tuloy yung sipon at ubo.

Nov. 30, we went to FEU hospital's Pay Treatment Room to have a check on Janna, since her pedia's clinic schedule will be on Tuesday pa. The resident pedia told us that it's a simple cough and cold. The reason why she's crying when coughing is because her colds is dripping down her throat that makes it very itchy. Janna's pedia told us to have 1.5ml salbutamol and 0.5ml NSS to be nebulize every 6 hours.

Dec.1, she's doing ok but her cough is getting worst. And there are signs of asthma already because of the wheezing sounds. But still we continue what's precribed for her and she's still active like before. The night came, and she's having a hard time breathing. We went to the ER already because she's having fever, cough and colds already.

Dawn of Dec. 2, she's still in the ER under observation. She was given higher dose of salbutamol to lessen the wheezing. The ER Pedia doctor told us that she will be admitted already. Habang nagne-nebulize si Janna, yung resident pedia ba naman hanap ng hanap ng ugat kasi kailangan i-hydrate si Janna dahil mag-e-extract sila ng blood sa kanya. Siyempre Janna became so uncomfortable, she's crying a lot na. Nung wala siya makita, sabi niya sa assistant niya, "kailangan ko na mag blind shot dito" Jason told the doctor kung ok lang mag-rest muna ng konti si Janna bago nila insert ng IV para naman ma-relax ng konti dahil kanina pa iyak ng iyak. Sabi ba naman ng doctor, "eh di pumirma po kayo ng promisory note na ayaw nyo magpa-swero, para di ho namin sagutin kung ano mangyari sa anak nyo." Grabe nagpigil talaga si Jason ... tinawagan namin yung pedia ni Janna ... telling her na di namin gusto yung talas ng dila nung doctor na yun, at siyempre parents ka, alam namin kung ano makakabuti sa anak namin.

Pumayag naman si Dra. Ong (pedia ni Janna) na mga 4a.m. nalang lagyan ng IV si Janna. Before kami i-akyat sa room, nagpunta muna kami sa x-ray room para ma-x-ray si Janna. Then after that umakyat na kami. Janna slept on my chest the whole time dahil ayaw nya magpabitiw. Awang-awa na ako sa kanya pero I have to be strong for her or else magiging helpless din siya pag nakita niya kami na umiiyak. Pero hindi ko din napipigilan umiyak sa awa sa kanya.

Exactly 4a.m. pumunta na yung nurse to notify na dadalhin na kami sa treatment room sa pedia departpent for her IV insertion. Hindi nila ako pinapasok sa kwarto, I was outside the room waiting for them. Susmiyo umiiyak talaga ako... ang bata-bata pa ng anak ko nakaranas na ng dextrose. It was such a horrible scene. I could hear Janna crying a lot. Pero I'm glad magaling yung pedia na nag-handle sa kanya, sabi nung nurse assistant, isang hawak palang daw sa right hand ni Janna, nakita na daw niya yung ugat kaya daw mabilis yung insertion ng IV.

Pagdating namin sa room, nag-feed ng konti si Janna and fell asleep again. The nurses asked for a diaper to cover her hands para daw di magalaw ni Janna yung IV. Kaso pull-up diapers yung dala ko that time so hindi pwede. Pero dala ko yung baby legs niya, kaya yun nalang ang pinambalot ng nurse sa hands niya. At least nagkaroon ng purpose ang baby legs niya hehehe.

Noon time ng Dec. 2 extraction of blood naman. This time allowed na ako to stay sa room. Again, magaling nanaman yung pedia na nag-handle sa kanya, kaya konting iyak lang siya tapos, ayun tapos na. Eh si Janna kasi tuwang-tuwa din na sumasakay ng wheelchair, parang walang sakit. Hahahaha!

Dra. Ong told us, according to her X-ray and blood test, it's viral pneumonia. And we all thought it's just plain asthma attack. Good thing we decided to take her to the hospital. Wala naman major medicine taken orally ... puro nebs lang and Pro zinc everyday para daw makatulong sa kanya.

Nebulize every 4 hours for the 1st day. Puro tulog din naman ang ginagawa ni Janna since naka-aircon ang room niya plus di rin naman siya pwede mag-play dahil sa kanyang dextrose. Pero hindi din namin natiis, nung umuwi si Jason para kunin yung laptop at damit niya, dinala din niya yung walker ni Janna. Tinali namin sa isang corner ng bed niya yung walker para hindi niya mahila yung IV. Saka para hindi din siya ma-bored.

2nd day, every 6 hours na ang nebulize niya dahil konti nalang yung wheezing sounds niya. Saka wala na din sipon, little coughs nalang din. Saka medyo malakas din siya uminom ng water kaya siguro nakatulong na din yun. Pinabagalan na din ni dok yung drip ng IV niya para unti-unti na siya kumain ng milk.

3rd day, every 8 hours na ang nebulize, and wala na wheezing sound naririnig si doc. So nag-go signal na siya na uuwi na kami tomorrow morning. Hay salamat naman ... ilang gabi na din akong hindi maayos matulog dahil every 2 hours may intern na nagchi-check ng vital signs ni Janna, plus yung round the clock nebulize ni Janna. Saka alam na din namin na magaling na siya kasi malikot na siya ulit at tawa na ng tawa on smallest things.

4th day, ayun every 8 hours nalang ang nebulize niya, to continue na at home. Tuwang tuwa na si Janna, finally natanggal na yung IV sa kamay niya. At tumatakbo na siya sa buong room niya sa hospital sa tuwa.

Pagdating niya sa bahay, binigyan ko kaagad ng solids si Janna. Sa sobrang sabik, naka-2 tbps siya ng Cerelac in one sitting. Pagkainom ng water, natulog siya ulit. Walang hele, nung hiniga namin siya sa bed, tumagilid at natulog. I'm sure she missed her crib and she missed the house. And I'm sure she missed the people around her, kaya at home she's comfortable na.

Lesson learned: Wag dalhin every weekend sa mall ang babies lalo na pag hindi pa complete ang vaccine. You'll never know kung ano sakit makuha nila sa ibang tao outside your home.

0 comments: