Thursday, February 26, 2009

LP: Bulaklak

Pangarap ko magkaroon ng hardin na puno ng bulaklak. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang aking nararamdaman kapag nasa isang lugar ako na puno ng bulaklak. Ito ay kuha ko noong Enero 2006 ng ako, kasama ng aking pamilya, ay pumunta ng Tagaytay. Nadaanan namin ang tindahan ng mga bulaklak. Iba-iba ang kanilang anyo, bango, kulay at hugis. Napakasaya nilang tignan.

Ikaw, mahilig ka ba sa bulaklak? Bisitahin natin ang lahok ng ibang miyembro dito.

8 comments:

SASSY MOM February 26, 2009 5:30 AM  

Agree ako... napakasaya tingnan ang mga bulaklak. Ako man gusto ko mag retiro sa isang bahay na may hardin na punong puno ng bulaklak.

Anonymous February 26, 2009 9:00 AM  

nice... happy thursday... :)

PEACHY February 26, 2009 10:34 PM  

happy huwebes! ang ganda talagang pagmasdan ang mga magagandang kulay ng mga bulaklak. ito naman ang sa akin LP#47

Jeanny February 26, 2009 11:07 PM  

ganda nga naman kung may ganyang kang hardin. Kaka relax!

Happy LP Anne!

Anonymous February 27, 2009 11:05 AM  

ako din...ako din gusto kong magtanim ng mga bulaklak at mga gulay at prutas sa aking hardin. ganda ng mga bulaklak na iyan.
ang aking mga bulaklak at ang mga talulot nito ay nasa Reflexes at Living In Australia

HiPnCooLMoMMa February 27, 2009 3:17 PM  

ako din mahilig sa bulaklak...kung meron nga lang ba kaming lupang pedeng pagtamnan gagawin ko yan, kaso panay semento nakapaligid sa bahay namin

Anonymous February 27, 2009 8:20 PM  

Ang wish ko naman ay sana walang winter dito para makabuhay ako ng mga exotic flowers!

happy lp...and btw, sana matupag wish mo na magka garden :)

Anonymous March 02, 2009 7:35 AM  

sorry late na ang bisita :)

ako din gusto ko ng garden na ganyan kaganda pero ayokong mag-maintain. dapat may hardinero. hehe. wala akong green thumb eh!