Thursday, February 19, 2009

LP: Tipanan (Date)

Nung ipinanganak ko ang aking anak, naalala ko na inilabas ako ng aking kabiyak na mamasyal sa mall. Mga dalawang buwan na akong di lumalabs dahil kailangan kong alagaan ang aming anak. Nung mga panahon ng Hulyo, kami ay naghahanda na sa binyag ng aming anak. Kaya nung araw ng linggo na yun eh naghanap na kami ng susuotin niya para sa okasyon na iyon.

At dahil nasa mall na kami, naisipan na din ng aking asawa na hayaan akong pumili kung ano at saan kami kakain ng meryenda. Naisipan ko kumain sa California Pizza Kitchen dahil sa tanan ng buhay ko, hindi pa ako nakakakain dun. Kaya naman dinala niya ako dun. Habang hinihintay namin ang aming order, naalala ko na July 6 nung araw na yun. July 6, 2000 nung kami ay naging mag-nobyo ... kaya nung araw na dinala niya ako sa CPK ay ika-8 taon na ng aming pag-iibigan! (naks!) kaya kahit papaano naging makabuluhang tipanan ang araw na yun para sa aming dalawa.

Ating basahin ang lahok ng ibang miyembro dito.

6 comments:

Mayet February 19, 2009 5:16 PM  

love!!at ang tagal nyo na pala together, congratulations

adinille February 19, 2009 11:57 PM  

that's nice.. nag-CPK kayo on a good occasion. :)

happy LP!

jeanny February 20, 2009 1:14 AM  

fave ko jan, sana makabalik ako sa cpk with husband :)

Happy LP

lino February 20, 2009 7:06 AM  

nice.... happy LP! :)

toni February 20, 2009 9:46 AM  

wow! isa din yan sa favorite namin ni paul! happy LP!

PEACHY February 22, 2009 11:50 PM  

ang sweet nmn ng hubby... ito nmn ang tipanan dito.

happy LP!