Friday, March 06, 2009

LP: Bag

Mahilig talaga ako sa bag. Isa ito sa namana ko sa aking ina. Hindi naman ako partikular sa brand o kung ano ang yari nito, basta pag gusto ko eh binibili ko. Ngunit nung ako'y naging isang simpleng maybahay na lamang at nagkaroon ng anak, natuwa ako sa mga modernong diaper bag na nabibili sa mall.

Tulad nitong bag na ito na regalo sa akin ng aking asawa nung Mother's Day. Ito ay bag mula sa Baby Couture. Hindi halatang diaper bag siya di ba? Madami siyang bulsa na pwede mong paglagyan ng kung ano-anong bagay na kailangan ng iyong anak sa tuwing kayo ay lalabas para mamasyal. Sa totoo lang, meron pa akong isang diaper bag na mas malaki dito.


Pero nung dumating ang aking tiyahin galing Amerika, ito ang isa sa aking pasalubong. Isang bag na pwede mo pagpalit-palitin ang panlabas na anyo nito. Gustong-gusto ko itong bag na ito ngunit hindi ko pa siya nagagamit, dahil madalas kasi na kasama ko lagi ang anak ko pag lumalabas kami kaya diaper bag lagi ang bitbit ko. Pero malapit ko na ito gamitin, siguro pag inaya ako ng date ng mahal kong asawa hehehe.

Mahilig ka ba mangolekta ng bag? Ating alamin ang lahok ng ibang miyembro dito.

6 comments:

HiPnCooLMoMMa March 06, 2009 7:20 AM  

di ba pedeng 2 bags ang bitbit mo? i remember dati nung maliliit pa mga anak ko, 2 ang bitbit kong bag

http://hipncoolmomma.com/2009/03/05/bag-40th-litratong-pinoy/

Ann March 06, 2009 10:51 AM  

Hi sis, I love big bags din kasi ... I would look ridiculous if I bring two bags na same ang laki hahaha. Saka cellphone, wallet and lip gloss lang magiging laman ng 2nd bag pag nagkataon... pwede ko naman ilagay sa diaper bag ni Janna hehehe

Buge March 06, 2009 1:52 PM  

Pag gumagala ako madalas dalawa din ang bag ko. Isang malaking bag para sa mga damit at iba pang gamit at isang maliit kung asan yung mga essentials katulad ng pitaka, cellphone, atbp. para di na ko maghalungkkat dun sa malaking bag. Haha!

Ang cute nung diaper bag! Ang ganda ng kulay!

yeye March 06, 2009 2:25 PM  

diaper baga pala ehehehe. :) di halata.

eto naman po ang aking entry dis week:
BAG :D

HAPPY LP PO ! :)

arls March 06, 2009 3:16 PM  

i love baby couture!!! kahit di ako ang mommy parang gus2 ko syang ibitbit kasi ang saya!

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/

Dyes March 09, 2009 11:42 AM  

uyy, parehas tayo ng unang bag. pero yung sa akin ay pwedeng maging backpack. kaso, sa sobrang dami ng dala namin lagi, nasira ang kanyang handle :(

happy LP!