Friday, April 03, 2009

LP: Paboritong Litrato

Maligayang ika-isang anibersaryo sa Litratong Pinoy.

Nahirapan ako maghanapng paboritong litrato ... dahil sa totoo lang madami ako paborito. Ang iba sa mga litrato na ito ay nailahok ko na sa iba pang site. Kung kaya't naghanap ako ng hindi ko pa nailalagay sa blog na ito. Nailagay ko man, eh malamang matagal na panahon na iyon.

Ito ang mga napili ko para sa linggong ito. At dahil panahon na ng tag-init, eto ay kuha ko nung ako'y nagtrabaho at tumira sa Laoag City. Dito din kami madalas magbakasyon noong mga bata pa kami dahil dito lumaki ang tatay ko.

Ito ay kuha ko noong kami ng mga pinsan ko ay namasyal sa tabing dagat. Ito ang karugtong ng dagat sa may bandang Fort Ilocandia.

Ito ang Paoay Church sa may Paoay, Ilocos Norte. Kami ng mga kasamahan ko ay nagkaroon ng site visit malapit sa lugar na ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ko na nakuhaan ko siya ng litrato.

Ito naman ay nataon kong nakuhaan nung galing kami sa Blue Lagoon sa Pagudpod. Wala ako magandang litrato ng Pagudpod pero umaasa akong magagawa ko yan ngayon Mahal na Araw dahil kami ay magbabakasyon doon muli kasama ng aking pamilya.

Ating silipin ang mga paboritong litrato ng iba kong kasama dito.

2 comments:

Jay - agent112778 April 04, 2009 12:33 AM  

ay na!!! ilocana kayo met gaya, gayem :D

di pa ako nakapasyal sa Laoag :((

sana maibigan nyo rin ang aking paboritong litrato


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

jeanny April 04, 2009 11:00 AM  

uy sa pagudpod kau net week...kainggit. Kami dito lang yata sa house. hehehe!

enjoy the weekend sistah1

Oh nice photos by the way :)