Thursday, June 01, 2006

Stress Killer

To get rid of my mind from wedding preparation from time to time, Umisip ako ng pwede ko pag-aksayahan ng panahon. I asked my friend Joel kung may Gameboy siya (ka-text ko kasi siya nung time na yun). At eto na nga pinahiram ako. Pag wala magawa nag-gigameboy ako. Susme nakakatawa pa nga, kasi sa mga pamangkin niya to. Ok lang naman daw kasi dalawa daw yung Gameboy nila. Ayos sa alright to. Bigla nga ako nag-isip bata, gusto ko nga magpabili sa tito or tita ko. kaso bigla nag-pop ang aking konsensiya ... "Ann, ano gusto mo, yung Gameboy o yung personalized M&Ms?" ... siyempre... yung Gameboy po! hehehe joke lang! Siyempre yung presonalized M&Ms no! hihingi nalang ako ng gameboy para sa anak ko hahaha! Joke lang!

Pero di pa din ako nakuntento ... hiniram ko yung Playstation One ng pinsan ko. Hindi naman daw niya ginagamit saka magpapasukan na. Ang sama ko talaga, inaalisan ko ng ligaya ang mga bata hahaha. Nagstart na nga ako magpabili ng CDs sa kapatid ko. Gusto ko kasi RPG yung lalaruin ko. Naghahanap na siya, kasi yung mga pinabili ko, wala dito (nag-research ako sa internet hehehe). Sigurado ako matutuwa ang pinsan ko, kasi pag nag-resign na ako sa kanya mapupunta lahat ng CDs na nabili ko thank you gift ba! hahahaha

Stress Killer nga ba? for me ... oo pero kakaibang stress naman ang nararamdaman ko, lalo na pag namatay yung character tapos di ka nakapag-save hahaha! Sakit sa ulo ... pero okay lang... laro lang naman yun eh. Yung wedding preps, preparation for marriage na yun eh, hindi pwedeng magkamali, hindi pwede balikan ang nagawa na. But I'm so sure that Jason is the man I'm gonna marry, and he's someone I can't live without. I'm ready to face forever with him by my side.

3 comments:

mai June 02, 2006 5:40 PM  

haha! fellow kid-at-heart ito!

me naman, i play Smackdown and The Sims sa PS2 tapos online games like O2jam atsaka Gunbound...

parang di wife noh? hehehe!

Ann June 02, 2006 5:50 PM  

ei Mai,

ok lang yan, sikreto yan sa pampabata ... look at us ... baby face pa din :)

yung Samurai Showdown gusto ko kalaro si Jason at yung kapatid k kasi nanggigigil ako di ko sila matalo hahaha! Lalo na pag computer yung kalaro mo ... I'm such a loser ... kaya nga RPG games nilalaro ko eh.

Sa online yung Ragnarok at Pangya nilalaro ko. I wanted to play Gunbound pero di ko pa nata-try. Yung anak ng officemate ko dinala ako sa www.trollz.com. Na-addict ako pagandahin yung Pad ko ... susme! 2nd childhood na ba to? hahaha!

mai June 02, 2006 5:56 PM  

no..di siya 2nd childhood...di lang tayo tumatanda hehehe!