Friday, July 04, 2008

Marunong na magtipid

Baby Janna already know the art of "pagtitipid" ... or was it just coincidence? Coincidence because she had diaper rash a week ago. And since she's using diapers from day 1, my mom told us that she needs to wear "lampin" for the time being ... hanggang mawala lang daw yung kanyang diaper rash.

Until now Jason haven't bought any diapers ... nakakatipid na kami dahil mas pinili na ni Baby Janna for her to use cloth diapers. Goodluck to us pag time to visit her pedia, baka ayaw na niya mag-diapers huhuhu. Kahit kasi sa gabi ayaw na niya mag-diaper. Blame it on our very humid climate this past few days.

She uses 4 dozen of lampin a day ... thank God for maids ... they washed up all Janna's soiled lampin regularly ... every morning, afternoon and night. Oh di ba nakatipid nga kami sa diaper, pero mukhang mataas ang bill namin sa tubig this coming month hahaha.

Initially, we bought only 2 dozens of cloth diapers. Last week, mom bought additional 2 dozens ... and planning more to buy dozens of it. Sale ang Enfant, natuwa ang lola kaya bili ng bili.

Another thing, she doesn't want herself stuck in an aircon room. Kahit mainit na at init na init na kami lahat sa bahay, ayaw pa rin niya na naka-aircon. Hindi siya makatulog at sa tingin ko mana siya sa mom ko na ginawin. Ayan tuloy, my asthma and skin asthma has been eating me up this past few weeks. Dahil nasanay ako mag-aircon lalo na nung pregnant ako sa kanya, konting bahid lang ng init eh nag-aallergy ako. Wala naman ako magawa, hindi naman matutulog ang anak ko pag nag-aircon kami. O di ba, bawas sa bill ng kuryente?

Eversince Jason told Janna na ubusin ang kanyang milk every feeding, lagi siyang ubos. Hindi siya nagtitira. Kaya kahit mahal ang formula niya eh natutuwa naman kami pag inuubos niya ang milk niya.

Hay ... love talaga namin si Baby Janna, kahit nagkakandahirap na kami para sa kanya ok lang ... wish lang namin na tumigil na ang pagiging iyakin niya lalo na sa gabi!

0 comments: