Worried
Pero mas gusto niya na hinahawakan siya ng nakatayo siya kaysa nakaupo siya. Hindi kaya mas atat maglakad ang anak ko kaysa umupo? Mom told me nga baka walker na ang kailangan bilhin, hindi booster seat ahahaha.
I was thinking of buying her a Bumbo seat, kaso it's so expensive, tapos sandali ko lang gagamitin. Hubby told me na we should be patient and wait for her nalang to learn. Eh hindi kaya mahirapan naman kami pakainin siya ng ganun?
We'll start to canvass for a booster seat already. The lola is quite more excited than the mom hahaha! I think this weekend, sasama kami sa mall ... yahoo makakalabas nanaman ako sa wakas. Obviously, na-bo-bore na ako dito sa bahay.
Last night, when I'm teaching Janna to say "Mommy" and "Daddy", she said "Ma!" ... and when I asked her na ulitin niya... sabi niya ulit "Ma!" ... hindi ko alam kung yun na nga yung "mommy" na hinihintay ko na sabihin niya. Tignan ko kung kaya niya ulit ulitin next time. Kanina kasi hindi na siya nag-reresponse. So baka coincidence lang
She calls her dad "a-i" ... nawala yung "d" hahaha! Jason called from Davao, I put my cellphone to loudspeaker so Janna can hear him. She hold the cellphone and flip it to see where the sound is coming. Then she said "a-i". Natawa si Jason. Tapos everytime may question si Jason like "Kumain na ba baby ko?" o "naging mabait ba kay mommy ang baby ko?" she would answer in a babbling way ... hahaha as in parang may conversation talaga sila mag-ama. Nakakatuwa.
Lumalaki na ang baby namin ... baka bukas nag-dedebut na ito sa sobrang bilis ng araw. Hay o hay!








