Thursday, January 22, 2009

Litratong Pinoy: Kahel (Orange)

Eto ang aking unang lahok para sa Litratong Pinoy.

Ito ay kuha noong February 2007 sa Panagbengga Flower Festival sa Baguio City. Taon-taon kami pumupunta dito. Pwera lang nung taong 2008 dahil ako'y nagdadalang tao noon sa aking anak na si Janna. Ngayong taon sana ay pupunta kami, ngunit yung taong napakiusapan ng tatay ko na magpareserba ng aming tutuluyan ay nagkamali ng petsa at ngayon ay hindi na makahanap pa ng ibang hotel na pwede namin tuluyan.

0 comments: