Saturday, February 14, 2009

A Mother's Rant

I've been preparing for Janna's 1st birthday by the time she reached 8 months old. I really wanted her party to be different. I don't want a fastfood chain party for her birthday (no offense to those who had their kids celebrated their birthdays in Jollibee, Mcdo ... etc. etc.) I wanted to have a party with lots of balloons based on our theme. I wanted a good party host to entertain the kids. I wanted a beautiful cake for Janna. I wanted loot boxes for the kids to take home and enjoy.

But today, everything went down ... all my plans turned to waste ... all the things a mother dreamed for her daughter's first birthday party was crushed into bits. Parang nawalan ako ng gana ... dahil sa mga taong inaasahan mo na susuportahan ka sa lahat ay hindi pala sang-ayon sa ninanais mo. Eto ba ang dapat ko makuha sa pagsakripisyo ng career ko at piliin maging SAHM para sa anak ko? Kaunting kasiyahan sa isang ina na dinala ang anak niya sa sinapupunan niya ng siyam na buwan eh hindi mo pa mapagbigyan?

Ayoko palabasin na may masamang tao sa kung ano man ang sinulat ko dito. Pero kahit konting pang-unawa at konting pagmamahal manlang ay sana maintindihan nyo naman ang side ko. Hindi madali ang buhay ng isang maybahay. Hindi ko din pinangarap na maging palamunin ako sa tanan ng buhay ko. Pero para sa anak ko, dahil ayoko lumaki siya sa yaya eh sinakripisyo ko na hindi maghanap ng trabaho para tutukan siya sa paglaki niya.

Wag nyo rin ako aakusahan na hindi ko naiintindihan ang pinanggagalingan at pinaghihirapan nyong pera ... dahil alam ko yan. Ako nga makakuha ng isang daan piso para mailagay sa wallet ko pahirapan pa eh ... yun pa kayang libo-libo? Kaya wag nyo ako akusahan na hindi ako nagmamalasakit sa inyo ... dahil walan naman iba pa na nagmamalasakit sa inyo eh kundi ako.

Nung umpisa palang hindi na kayo nakikialam sa preparasyon ... ako na nga ang gumawa ng lahat dahil alam ko may trabaho kayo at hindi ko na kayo maaasahan pa na gawin ang lahat ng ito. Pero in the end, ako pa rin ang mali ... ako pa ngayon yung magastos, ako pa yung hindi nagiging practical ... ako pa ang walang pakiramdam. Eh gusto mo pala magtipid, eh di sana bago pa nagbayad sa venue eh pinigilan mo na ako ... ngayon ka pa magrereklamo eh nabayaran na yung venue. Non refundable na yun.

Pangarap nyo pala ang Jollibee party ... eh di sana sinabi nyo sa akin at nag-Jollibee party nalang tayo ... pero kung ako tatanungin nyo ... my daughter deserves not just a Jollibee party. She deserves more. Dahil para sa akin ... precious baby siya. Kahit sinong nanay ang tanungin mo ganyan ang sasabihin sa iyo ... pwera yung mga nagpapa-abort, wala akong pakialam sa kanila.

Naiinggit ako sa mga mag-asawa na excited na nagpe-prepare ng birthday party para sa anak nila. Ako, super excited ako maghanda ... oo ako hindi kami ... ako lang ata. Ayoko isipin na may mga tao na hindi excited mag-birthday ang anak ko. Iniisip ko nalang na busy sila and somebody needs to do the preparations alone ... at ako yun. Gusto ko din malaman nyo na madaming mag-asawa ang gumagastos para lang magka-anak ... pero kayo binigay na sa inyo ang batang ito, tinitipid pa!

Sana lang meron din ako pera para nasusunod ko lahat ng gusto ko para sa anak ko. Kaso iniisip ko kung hindi ako nag-resign sa trabaho ko, malamang wala kami anak ngayon. Eh kasi sa Laoag ako nagwowork dati. And until now buhay pa ang project. Eh di sana hindi ako naghihimutok dito sa blog ko di ba? Kahit hindi nila ako tulungan sa expenses eh matutupad ang dream party ko para sa anak ko.

For those suppliers that I cancelled my services, ngayon siguro naiintindihan nyo na kung bakit I need to cancel your services ... kasi wala na ako pambabayad sa inyo. At ayaw nila sa idea ko ... masyado daw magastos. Kaya ko sinabi agad sa inyo ay para di kayo umasa at makahanap kayo ng ibang client na gustong kunin ang serbisyo nyo. Sana wala naman tampuhan ... Ayoko din isipin na pinagdasal nyo mangyari sa akin to dahil sa ginawa ko sa inyo ... sobra naman ata yung pinagdasal nyo ... sana inisipi nyo rin na at least ikaw may business, ako wala! Oh di ba ang laki ng lamang ninyo sa akin?

Sa mga pinangakuhan ko ng downpayment for next week, hindi kayo apektado. Madami na nga nalagas sa mga plano ko, pati ba naman yung main suppliers hindi pa makukuha? Ilalaban ko talaga promise! Kahit papaano eh may na-accomplish ako kahit konti. HIndi ko lang alam kung paano at kailan ako makakapag-hulog ... basta next week ... I'll locked in the date.

At sa iyo Julianna, sana lumaki ka ng maayos. Wag mo kakalimutan ang mga sakripisyo ni Daddy at Mommy para sa iyo. Sana maging mabuti kang tao, dahil ikamamatay ko pag nalihis ka ng landas. Lahat ginagawa ko para sa iyo, kaya sana naman, Lord, tulungan mo ako. Tulungan mo ako na mapalaki siya ng maayos.

Minsan tuloy naiisip ko ... mahal ninyo ba talaga ako?

1 comments:

Chris February 14, 2009 10:34 AM  

my heart goes out to you ann.

i understand where you are coming from.... hugs to you on this valentine's day....