There really is no perfect wedding. I'm one of those people who believe in that. As a matter of fact, ours wasn't that perfect. The imperfections was really quite visible. But still everybody enjoyed that 3 hour event that took place in their lives. Hindi ko na elaborate lahat-lahat. Bigay ko lang sa inyo ung mga kaunting details na naalala ko sa wedding namin. Thanks to our W@W community ... I pulled off our wedding without a coordinator. This group is a big help talaga. Kaya we're thanking God for helping us on our wedding day.
October 27, 2006 around 1 p.m., We went to Jun Ricaforte's shop to pick up all our gowns. Wala pa yung shoes and bag ko (imagine wala pa!!!) but Mr. Jun assured me that he'll drop by sa hotel to fix my gown sa mannequin form. He'll bring the shoes and bag nalang kasi naiwan niya sa bahay. Ok quite a relief for me.
2:00p.m. We had our bookings reserved at The Great Eastern Hotel. Yung pinareserve ko na Presidential suite nila eh may client na kumuha nun 4 days ago pa. Na-delayed ang flight kaya na-extend ang stay ... (another stressful thing that took place that day). Sabi ko, I don't need to wait for them to check-out kaya hinanapan nila kami ng new rooms. Blessing in disguise, Ms. Jacq of Great Eastern hotel showed us sa West Wing ng hotel nila. The newly built part ng hotel. Ang ganda ng lobby and the rooms are more malamig and spacious. We took 4 rooms for us, sa family ni Jason, sa mga tita ko, and some of our female entourage. Ok ang lobby ng west wing, I texted Paul right away ... told him makakagawa na siya ng dramatic effect sa lobby ng Great Eastern Hotel. hihihi!
We had our family dinner sa Gulliver's ... medyo 10 years nga lang ang services pero masarap ang pagkain nila promise. The night before our wedding day, may ginagawa pa kami ng mga pinsan ko na gagamitin kinabukasan. Eye patches for the blindfold jack en poy garter game, pouches for the loose petals and the baskets for the fruit offertory. By 12am natulog na ako ... dun lang ako inabutan ng antok.
October 28, 4:00am I got a text message from Ms. EJ Litiatco telling us they're on their way to our hotel. Siyempre ako nagulantang hahaha! Ang aga kaya! hihihi! Si mom ang mas tensed hindi ako. Nauna make up yung 2 abay ko kasi nagbreakfast ako baka kasi sikmurain ako. Saka I'll be wearing a corset kaya I need to eat baka kasi di ako makakain sa reception.
6:00 a.m. dumating na flowers namin. Medyo nanghinayang ako sa bouquet ko kasi risky daw talaga ang yellow roses. Pag medyo nagwilt siya, nangingitim yung dulo. Mr. Rex cut those parts na lanta na kaya ok na siya nung tapos na. Maganda lahat ng ginawa niya for us. Thanks to him. After 15 mins dumating na si Paul and Ivy. Nagtatawanan sila pag-open ko ng door. Kasi ang text ko daw sa kanilang room no. is 1106 (Blooper no. 1) ... eh nasa 1101 kami. Kinatok nila yung yung sa room 1106 ... "Si Ann Recta po?" .. umiling lang yung person tapos sinara pinto. Kaya tinawagan na ako ni Paul ... asan daw ba ako ... hahaha! Pagbukas ko ng pinto nagtatawanan na kami lahat.
They started doing their thing (photo shoot) ... nakakatuwa sila panoorin ... lalo na si Ivy, kala mo kung ano ginagawa sa sulok ... yun pala nagshoshoot ng mga wedding symbols ko dun. The whole time I was teasing Paul about the nomination for the Top Ten
W@wies Supplier of the Year. And nalaman ko nga din thru Paul na Mr. Buddy G. will get footages of them on the go sa wedding ko. Excited hahaha! 7:00am dumating si Shierdan ... I was the teaser again na kaya siya na-late kasi nagprepare siya sa shoot ni Mr. Buddy G. for the Top Ten
W@wies Supplier of the Year. Kaya tawanan nanaman kaming lahat. I'm so thankful for this people kasi hindi ko talaga naramdaman masyado yung kaba sa wedding. Before I forgot ... 6:30 am dumating yung couturier ko, si Mr. Jun Ricaforte to help me out sa gown ko. yey! I thought kasi hindi siya ang pupunta sa akin sa wedding ko. and he is so prompt. sinabi niya na 6:30 siya dadating, 6:30 nga siya dumating. hahaha!
Ms. EJ is so good ... hindi ako nagkaroon ng allergies sa make up ... my lip color is nice ... my hair is nicely done, thanks to Taday ... and my hairpiece is so pretty ... thanks to All About Beads c/o Mr. Jun Ricaforte.
They started my shoot around 8:30 ... yun ang assume ko kasi di ako nagsuot ng watch para di ako ma-tense (and it really works) ... as usual kung ano2x na pinapagawa ni Paul sa akin hahaha! Since D-day na ... ok na ang posing ko ngayon ... mas game ako kaysa nung prenup. Hihihi! Kaya siguro tuwa din si Paul na mag-shoot.
Pagbaba namin sa hotel may isang bride na naghihintay din ng bridal car niya. So ako, nandun lang muna sa loob. Marami kasal nangyari ng Oct. 28, sa w@wie list palang i think we're more than 10. And AdeB upgraded our Mercedes Benz E32o sa limosine. Wahahaha! Nagulat nga kami ni Jason. We thought din na may additional sa bayad. Wala pala. Ok din si Manong (I didn't get his name) super bait pa. Ayaw nga nya natataranta ako. Saka wag daw ako mag-alala help nya daw ako pagbaba ng car.
As they closed the door of Twin Hearts, pinababa na ako ni Ms. EJ, she's such a darling... inayos niya ang veil ko plus train ... hindi niya talaga ako iniiwan. Kaya love na love ko siya. As they opened the door, I was so overwhelmed with the crowd ... grabe napuno ang Twin Hearts ng bisita namin. As I was walking down the aisle while Velvet Mood is playing Ikaw Lamang by: Zsazsa Padilla pinigilan ko ang mata ko sa pagtulo ng luha. And everyone is clicking their cameras talaga. And I saw Jason all smile. Dad's officemates and staff was already teasing him to cry na. Kaya nagpigil talaga ang tatay ko. wahahaha!
By the time Dad is already giving me out to Jason, it's the first time I saw him super gorgeous in his Barong. Ang gwapo gwapo niya. Ang sarap niyang titigan. Our mass is so solemn ... and maganda din ang homily ni Fr. Bendita. Everybody love it. During the marriage rites ... May part that we suppose to recite both ... iba yung tinuturo ni Fr. Ernie sa babasahin namin (Blooper no. 2). Kaya nalito kami ... pero ok naman since ako ang gumawa nung misalette na yun nahanap ko naman. Nung blessing ng bible tinawag na yung bible bearer namin ... instead na binigay niya sa pari yung bible (Blooper no. 3) eh binigay niya kay Jason ... tinitigan namin yung pinsan namin ... sabi namin "Ano gagawin namin dito? bakit sa amin mo binigay?" hahaha! Kaya natawa ulit kami ni Jason at binigay ng pinsan ko yun kay Fr. Ben. Ok ang flow ng Marriage rites ... bungisngis daw kami ... lagi daw kami tawa ng tawa saka ngiti ng ngiti. Fr. Ernie also told us that he's so happy that we are so prompt. The mass started on time and we are not late. Unlike the other couples. To tell you frankly, feeling namin ni Jason parang ordinaryong araw lang yun. We are so relaxed ... not until came this very irritating incident ...
After the recessional, siyempre paglabas amin ng church nag-shower na sila ng party popper and loose petals. Ewan ko kung maganda sa picture ha ... kasi parang ang bilis ng flow ng event. After nun dinala ulit kami ni paul papasok ng Twin Hearts para kuhanan kami ng mga portrait shots sa loob ng church. Kaso yung mga pagpapabinyag nagtakbuhan na agad sa altra para magpicture taking na sila ... at eto pa ... yung church coordinator nila hinarang kami kasi sinabihan daw niya mga abay namin na bawal ang pagsaboy ng party popper at loose petals sa loob ng church. Eh malay ba namin ... first time lang namin ikasal ... saka wala naman sa contrata yun (we read the paper we signed sa Twin Hearts, wala naman restriction.) So pinabayaan na namin... ano gusto nya gawin namin ... pulutin namin ni Jason yun isa-isa?
While my Maid of Honor and brother took care of our wedding pharapernalia (candles, pillows, veil etc.) mega pinagalitan ng church coordinator ng Twin Hearts yung Maid of Honor namin na bakit daw kami nagkalat sa church na sinabihan naman daw niya na bawal yun ... at according sa mga abay ko, ni isa daw wala sa kanila sinabihan na bawal daw yung party popper sa loob. Wag daw sila aalis hangga't hindi nalilinis yung aisle. Sa sobrnag kabaitan ng mga pinsan ko at ng kapatid ko, kumuha sila ng dustpan at walis para walisin yung kalat ... eh siyempre ako nagalit na ako ... kasi sabi ko pabayaan na nila na tumalak yung lalaki na yun at security guard about the petals at party popper kasi wala na naman sila magagawa ... eh pinagwalis talaga nila yung mga abay ko ... pinigilan ako nila EJ at Paul ...sususgudin ko na talaga yung coordinator dahil nabubwisit na ako sa kanya.
Sabi ni Paul umalis na daw kami para umalis na din mga pinsan ko at kapatid ko ... wala kami shots sa Twin hearts because of the incident. Kasi nakita na nila Paul na anytime susugudin ko na yung coordinator … at nangingiyak na ako … pinipigilan ko lang. Kaya umalis na kami lahat, iniwan na namin yung kalat … my kuya hired two tanod to clean it all up … Sabi nga ni Dan gaganti nalang daw kami ... yung natirang party popper papuputukin daw namin ulit ng sunday sa loob ng church para magalit daw ulit yung church coordinator.
SIDE KWENTO: At dahil sa incident na yun … lahat ng wedding paraphernalia ko (2 boxes) naiwan sa Twin Hearts which hanggang ngayon we have no idea kung nakuha nila or not. Sa sobrang taranta ng mga abay ko (which act as receptionist, usherettes and ushers din sa reception) pumunta ng Windmills… nakalimutan or walang nakaalala bitbitin yung mga box na nilapag nila sa last seats near the door sa Twin Hearts. Since Tuesday pa ang bukas ng church office nila, eh Tuesday ko pa malalaman kung nandun nga or not. Sana nga nandun dahil nanghihinayang ako ... the rosary a gift for mom which came from Rome pa was there, my Precious Moments Bible ... the pillows and Unity Candle I bought from Ms. Gerri is all there ... hay ... sayang... sana hindi na makatulog yung nakakuha nun at ibalik sa Twin Hearts lahat ng kinuha niya. (kung may outsider na nakakuha ha)
ANOTHER SIDE KWENTO: I called up Ms. Dodo of Twin Hearts and told her about what happened that day ... she appologized naman sa naging attitude ng staff niya. Gusto ko kasi ma-justify yung ginawa nung coor niya sa amin, lalo na sa mga abay ko ... naka gown sila at naka-barong ... immediate family ko sila pinagwalis niya sa aisle ng Twin Hearts ... hindi talaga namin nagustuhan. Sayang nga di nakunan ni Dan on tape. Kasi kahit sino talagang naasar sa ginawa nila. Kaya naghintay ng matagal guest namin dahil dun ... hindi kasi nila nalaman yung nangyari ... until natapos yung wedding. Sabi nga ni Ms. Dodo dapat di ko na daw sinira yung day ko dahil dun ... sabi ko po, hindi ko din naiwasan mainis dahil pinagwalis po ng staff niya yung mga abay ko na dapat nasa reception na dahil mag-aasikaso ng guest namin.
At the reception, medyo nagulo daw ng konti yung seating arrangement since nasa Twin Hearts pa nga kami dahil sa incident. Eh wala kasama sa pag-assist si Ms. Emily of Windmills sa mga guest. Pero buti nalang naplantsa naman ng maayos. Kaya sinimulan na yung program. As our emcee and good friends, Allan and Lilibeth started introducing our entourage, nakita ko yung chocolate fountain. Si EJ naman naawa sa akin at binigyan ako ng marshmallow. Natuluan tuloy yung gown ko ng chocolate waaaaaaaahhhhh! Pero here comes Ms. EJ to the rescue. Di niya tinantanan yung chocolate drip sa gown ko. Tinanggal niya. hihihi!
Smooth naman yung flow ng program. I must say I'll give credit to our emcee. Talagang nadala niya ang crowd. I can see everybody is laughing when he cracks joke. Kahit kami tawa ng tawa nyek! Nung cake ceremony, nahirapan kami i-cut yung cake namin (Blooper no. 4) waaahhh kaya nga ayoko minsan ng fondant. Sa na-slice namin na cake ... ang nakuha namin karampot kasi nawasak bigla kaya natawa nanaman kami ni Jason. I super love our cake. Thanks to Ms. Emily of Sugarbox (I really love Sugarbox!!!) though hindi nga lang nasuond yung pagka-pink nung color (I'm expecting it to be in fuschia pink) pero ok lang masarap yung cake as in ... lahat ng guest namin nasarapan sa cake namin.
Yung garter toss naman nakakatuwa yung outcome ... blindfold jack en poy yung game. Nakablindfold yung guys while playing jack en poy. Nanalo yung pinsan ko ... ang matindi yung bouquet toss ... (Blooper no. 5) Supposedly isa lang dapat ang maiiwan na ribbon na naka-tie sa throw away bouquet. The other loose yun ... parang nakaipit lang sa ribbon ng throw away bouquet. Ang kaso sa sobrang higpit ng pagkakagawa ng Maid of Honor ko, pagkahila ng mga single ladies ... walang natanggal ni isa hahaha! Kaya pumili nalang kami ng isa sa kanila, si Rich yun, a good friend of mine who got the blue ribbon, the other's are yellow. Kaloka!
Pero siyempre di mawawala yung mga iyakan blues. Pinipigilan kong wag umiyak pero by the time dad had his speech, talagang di ko napigilan. And when Jason's dad did his, lalo ... hehehe! Iyakin talaga kami. We had the father and daughter dance ... and the couple's first dandce. Magaling ang Velvet Mood. Lahat ng songs na ni-request namin natugtog nila... meron mga iba hindi natugtog pero ok lang... maganda naman ang performance nila. Wala ako masabi.
Yung dove release na di nagawa sa church kasi nakalimutan i-pick up ng mga tita ko sa reception eh ginawa nalang sa reception. Pero after na ng program dahil wala sa program sa reception yung dove release. So for photo and video purposes, ginawa namin dalawa yung dove release ... (Blooper No. 5) Nung hinatak namin yung string from the bell ... hindi siya bumuka...kailangan daw maglambitin kami ala Tarzan and Jane sabi ni Paul ... wahahaha! Nung nabuksan naman namin, yung isang dove nag-asal duck ... wahahaha! Nagswimming sa fish pond ng Windmills kaya tawa ulit kami.
Eto pa pala ang isa ... nung champagne toast with the bestman ... (Blooper no. 6) Nauna pa ang best man namin uminom ng wine kaysa sa amin. Hehehe! Saka nung toasting, nahuli yung mga waiter na lagyan ng wine mga baso ng guest namin kaya lahat walang laman yung wine glass nila nung toasting ... another first hihihi!
We end up our day with super duper lots of photo shoots. Game na game na kami sa mga pinapagawa ni Paul at Ivy eh kaya kahit buong araw ok lang sa amin. Sa 300 pax na binayaran namin, 40 persons ang hindi nagpunta. Nag-confirm naman sila pero mas minuna nila yung presonal nilang buhay. Sana di nalang sila nag-confirm para di kami nagbayad ng ganun kamahal tapos wala naman kakain. Madami hindi nakapansin sa chocolate fountain. Samantalang ako yun agad napansin ko pagpasok namin ng Windmills.
When we are in the hotel ... as we go to sleep ... di pa din kami makapaniwala na tapos na. It's all worth it, kahit visible ang mga glitches. We just let it go ... I kept on asking Jason what happened that day ... he just answered, "hindi ko alam, basta ang alam ko akin ka na!"
Supplier ratings soon!
(Photos by: Paul Vincent Photography)